Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jana Taladro, wish sundan ang yapak ni Bea Alonzo

SI Jana Taladro ang grand winner ng Artista Teen Quest ng SMAC Television Production. Mula rito ay nabigyan siya ng show na Yes Yes Yow na umeere sa IBC13.

 

Ayon kay Jana, ibang klaseng experience para sa kanya ang pagsali niya sa Artist Teen Quest.

 

Pahayag niya, “Sobrang nag-enjoy po ako, ‘tsaka masaya dahil naipakita ko po ‘yung talents ko and nalagpasan ko po ‘yung mga challenges na ibinigay sa akin. Plus, nakaka-proud din po sa sarili ko dahil lalo po akong nahasa sa pagsayaw… at ang sarap pong makasalamuha ‘yung mga artists ng SMAC, ang babait po kasi nila.”

 

Saan ba siya mas bihasa, sa pag-arte or sa singing and dancing?

 

Aniya, “Acting po ‘yung first love ko talaga, pero I can sing and dance rin po, and I can also play guitar po.”

 

Sa ngayon ay nalulungkot si Jana dahil natigil ang show nila dahil sa pandemic.

 

“Ah, yes po, nakapanghihinayang po noong natigil iyong noontime show namin. Masaya po kasi ‘yung show.

 

“Sa ngayon, wala pa pong update kung kailan magre-resume ang Yes Yes Yow.”

 

Sino ang idol niya sa showbiz at wish sundan ang yapak? “Si Ms. Bea Alonzo po, kasi mukhang ang bait-bait niya, tsaka very charming niya po, at galling-galing niya pong umarte.

 

“Sobrang isang malaking karangalan pong sumunod sa yapak ng isang napakaganda at napakagaling na Bea Alonzo,” saad ng 16 year old na si Jana na kasalukuyang Grade 10 sa Emmaus Christian School.

 

Ano’ng wish niyang mangyari sa kanyang showbiz career? “Dream ko pong magkaroon ng movie someday, kasama ‘yung mga iniidolo ko like Bea po,” deklara ni Jana.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …