PANG-INTERNATIONAL scene talaga ang pelikulang pinagbidahan ni Janine Gutierrez na Babae at Baril na ipinalabas noong 2019.
Ngayong taon, napili ang psycho-thriller film para sa opening ng New York Asian Film Festival na magsisimula sa August 28 hanggang September 12.
Ang tema ng line-up ngayong taon ay women filmmakers at Korean movies. Inanunsiyo ni Janine ang masayang balita sa kanyang Instagram.
Lahad niya, “So excited and soo fffffing wish we could actually go to NY for the North American premiere at the NYAFF but, nonetheless congrats to the team! Babae at Baril is available in the Philippines on Cignal Play streaming. I hope you get to see it. So proud to be part of this female-led team.”
Sa Babae at Baril, ginampanan ni Janine ang karakter ng isang sales lady na galing sa probinsiya. Magkakaroon ng pagbabago sa kanyang buhay matapos makapulot ng baril.
Pinarangalan din si Janine bilang Best Actress dahil sa pelikulang ito sa 2019 QCinema Film Festival para sa kanyang natatanging pagganap dito.
RATED R
ni Rommel Gonzales