IKINAGALAK ng Palasyo ang pagkokonsidera ng Russia sa Filipinas sa kanilang pinauunlad at ngayon ay nasa “third stage trial” na bakuna laban sa CoVid-19.
Ito ang patunay ng tumitibay na kooperasyon ng dalawang bansa matapos tahakin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “independent foreign policy” para sa bansa, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque.
“Cooperation on public health, especially at a time when it is most needed, can be a cornerstone convergence. It is a good opportunity to enhance ties with our key partners,” aniya.
Gaya nang tinuran ni Pangulong Duterte, nakahanda ang Filipinas na makipagtulungan sa Russia sa clinical trials, vaccine supply and production, at iba pa alinsunod sa mga umiiral na batas at proseso sa bansa.
Noong Lunes ng gabi ay inialok ni Pangulong Duterte ang sarili na maging unang vaccine trial volunteer kapag dumating sa bansa ang bakuna kontra CoVid-19 mula sa Russia.
“We are one with Russia and the rest of the world in finding safe and accessible vaccines to address the COVID-19 pandemic that affected many nations and peoples.” (ROSE NOVENARIO)