Friday , April 25 2025

Mega web of corruption: Sabwatan ng IBC-13 management at RII Builders busisiin

ni Rose Novenario

HALOS ilang buwan pinagkaabalahan ng Kamara ang paghimay sa mga isyung itatampok upang mapagkaitan ng prankisa ang ABS-CBN habang niraragasa ng pandemyang CoVid-19 ang Filipinas.

Sa hindi malamang dahilan, ang matinding kapabayaan ng gobyerno sa isang state-run media network gaya ng Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13) ay tila hindi napapansin ng mga mambabatas, Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) at ng Ombudsman.

Ito ay sa kabila ng halos taon-taon ay kinukuwestiyon ng Commission on Audit (COA) ang pinasok na joint venture agreement ng IBC-13 sa R-II Builders / Primestate Ventures, Inc., noong Marso 2010.

Parang minahika ni ‘David Copperfield’ ang mga dokumento ng JVA, dahil matapos ang anim na taon, biglang nawala ang pangalan ng state-run network bilang may-ari ng 41,401 square meters na lupain sa Broadcast City sa Capitol Hills, Diliman, Quezon City.

Samantala kasama sa report na inihanda ni Victor A. Pasayan, manager ng APMD ng IBC-13 noong 2009, ang naturang lupain ay rehistrado sa Land Registration Authority na may TCT Number T-225838 at ang fair market value nito ay P911,000,000.

Nagulat ang Commission on Audit (COA)  sa kinalabasan ng JVA ng IBC-13 at RBI/PVI at sa 2018 Annual Audit report nito’y sinabi na ang terms and conditions ng iniamyendang JVA noong 2016 ay nagresulta sa contract of sale imbes joint venture agreement.

Ang orihinal na probisyon ng JVA ay i-develop ng RII Builders-Primestate Ventures, Inc., ang 36,401 square meters mula sa 41,401 sqm na pag-aari ng IBC-13 sa Broadcast City ay ilalaan para sa  proyektong residential complex na LaRossa at ang natitirang 5,000 sqm ay tatayuan umano ng dalawang building para sa state-run network.

Ngunit sa amended JVA , matapos ang siyam na taon na pagbabayad ng P728-M ng R-II Builders/ Primestate Ventures sa sistemang installment o hulugan sa IBC-13 ay itinuring itong kabayaran para sa 36,301 square meters lupain imbes “sharing of net revenues in a Residential development.”

Batay sa COA report, nalugi ang IBC-13 sa naturang transaksiyon dahil kung ang talagang intensiyon nito’y ibenta ang ari-ariang lupain, dapat ay cash basis at kung hulugan, sana’y may ipinataw na interes sa halagang idinekra.

“IBC-13 was at a disadvantage for the reason that with the intention to sell the property, the payment should have been made outright or at the very least interest should have accrued on the deferred payments.”

Anang COA, ang naturang transaksiyon na itinuturing na pagbebenta ng ari-arian ng gobyerno, ay paglabag sa Section 79 ng PD No. 1445; at Sections 2 at 3 ng EO No. 888, o “authority to dispose unserviceable equipment and disposable property.”

Sabi ng COA, ang bentahan ay hindi dumaan sa bidding, kaya’t maaaring hindi natanggap ng gobyerno ang tamang bayad base sa tunay na halaga ng lupain ng IBC-13 na napunta sa R-II Builders/Primestate Ventures.

Ang R-II Builders ay pagmamay-ari ng negosyanteng si Reghis Romero.

Hanggang ngayon, wala pang napapanagot sa kamalasadohang ginawa sa pinakamalaking ari-arian ng IBC-13.

Si Corazon Reboroso ang tumatayong officer-in-charge ng IBC-13 kapalit ni Katherine de Castro nang italaga siyang general manager ng People’s Television Network Inc., habang si Communications Undersecretary George Apacible ang nangangasiwa sa state-run media networks na nasa ilalim ng Presidential Communications Operations Office (PCOO). (MAY KASUNOD)

About Rose Novenario

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *