Kung dati ay gatasan lang at walang malasakit sa kanilang consumers ang dating distribution utility sa lungsod ng Iloilo, hindi na ngayon.
Sa panahon ng pandemya na marami ang hindi alam kung paano imamantina ang kabuhayan para sa kanilang pamilya, malaking tulong kung ang mga utility company ay magtatrabaho nang maayos at tama para maging parehas ang singil sa tubig at koryente.
Kaya nga sa Iloilo city, target ito ng bagong distribution utility na More Electric and Power Corp., (More Power).
Sa kasalukuyan, ang Iloilo ang isa sa may pinakamataas na singil sa koryente at isinisisi ito sa dating namamahala na Panay Electric Company (PECO) dahil umabot sa 30,000 ang nagkokonsumo ng koryente sa sistemang jumper. Kaya ang resulta ay mataas na systems loss na sinisingil sa consumer.
Sa gera ng More Power laban sa illegal connection sa Iloilo City umabot agad sa 4,000 ang nahuling may jumper sa 42 barangays sa loob lamang ng 10 araw. Dito pa lamang ay makikita na ang malaking problema sa illegal connection.
Nagbanta si More Power Legal Officer Atty. Allana Babayen-on sa mga residenteng patuloy na namumunini sa illegal electric connection na tumigil na dahil seryoso ang power firm na habulin at papanagutin sila sa batas at maaari silang maharap sa pagkakakulong nang hanggang 12 taon bukod pa sa mataas na multa.
Nasa anim katao ang sinampahan ng More Power ng kasong paglabag sa Anti-Pilferage Law. Sinabing sila ay itinuro at napatunayang nasa likod ng sindikato na ginawang negosyo ang pagkakabit ng jumper.
Pinayohan ng More Power ang mga nahulihan ng jumper na huwag nang bumalik sa pagnanakaw ng koryente at sa halip ay mag-apply na ng kanilang sariling legal na kontador ng koryente dahil mas madali at mura na ang proseso.
Kung ako ay taga-Iloilo, susuportahan ko ang kampanyang ito ng More Power na pro-consumer ay tiyak na ligtas pa dahil walang aberya ng sunog mula sa faulty electrical wiring.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap