Sa kanyang tahimik at simpleng pamamaraan, binuhay ni Direk Neal ang bayanihan, na kilalang traits noon ng mga Pinoy.
Base sa nakita naming FB post ni Direk Neal sa mga nakaraang buwan, namigay siya ng loaf breads at personal na nagluto ng mga pagkain para ibigay sa covid19 frontliners, sa mga homeless, sa mga pamilya nangangailangan, at sa mga kapitbahay bilang simbolo ng bayanihan spirit.
Kamakailan, ito naman ang nakita naming FB post ni Direk Neal: “Few days ago I saw this man and three kids habang nagsisiksikan sa loob ng tryke na ginawa na yata nilang bahay, There was heavy rain, halos baha na sa paligid gustuhin ko mang bumaba ng sasakyan di ko magawa so I promise to myself na balikan sila. Nag-iisa lang siya nangalakal ang tatlo niyang apo. Kaunti man lang silang pwede kong ayudahan, at least may napakain kang iba, nabusog at napasaya. I always remember this great word of wisdom from Mother Theresa “If you can’t feed a hundred people then feed just one.”
Actually, sobrang low profile lang talaga ng mabait na director habang ginagawa ang pagtulong sa kapwa. Pero noon pa ay kilala na namin ang pagiging matulungin ni Direk Neal dahil lagi siyang tumutulong at umaalalay din sa grupo naming TEAM (The Entertainment Arts & Media).
Si Direk Neal ay isa sa resident director ng BG Films ni Ms. Baby Go. Ang pelikulang Bigkis, Homeless, at Balatkayo ang natatandaan naming nagawa niya kay Ms. Baby. Ilan pa sa nagmarkang movie ni Direk Neal ang Ataul for Rent, Tarima, OFW, The Movie, at iba pa.
Bukod sa pagiging mahusay na writer/director, si Direk Neal ay astig din sa piano at isang magaling na painter. Kaya naging part din ng advocacy niya ang Art For a Cause na ang kanyang mga obrang binibili ng mga art aficionados ngayong pandemic ay itinutulong sa mga nangangailangan.
ni Nonie Nicasio