Sunday , January 12 2025

Batikang news anchor na si Gani Oro, dagdag sa bagong bihis na programa ng PTV 4

MAS lalo pang pinainit, mas detalyado, kredibol at hitik sa impormasyon ang mga programa ng PTV (People’s Television Network) channel 4 lalo na sa usaping Corona virus. Ayon sa bagong talagang General Manager ng PTV Networks na si Catherine ‘Katkat’ de Castro, makikipagsabayan ang kanilang mga bagong public affairs & news programs sa GMA-7 at TV 5. Kaya naman mas kaabang-abang ang mga programa na maghahatid ng hot news and scoops para sa mga kababayan.
Idinagdag na rin bilang news anchor ang isa sa haligi na rin pagdating sa pagbabalita, sa radio o TV man na si Gani Oro. Nagsimula ang kanyang karera noong 1987 hanggang 1997 sa DZMM ABS-CBN, hanggang sa maging bahagi ng DZBB GMA- 7 Broadcasting Networks noong 2005 hanggang 2012. Noong 2014- 2016 ay laking pasasalamat nito na naging Newscaster sa CNN Philippines bilang host ng Serbisyo All Access.

Matatandaang higit na mas nakilala si Gani sa kanyang programang Aksyon Oro Mismo sa DZBB ng GMA-7 dahil sa oro mismong aksiyon nito sa mga problemang inilalapit sa kanya ng mga kababayan na kinakalampag nito ang mga tiwaling opisyal at ang mga mapang-abusong employer, negosyante, at mga masasamang tao.

Kuwento ng batikang news anchor, taong 1987 nang nalaman niyang may pang-amoy siya sa mga balita, matapos mag-cover ng police beat bilang radyo patrol reporter. Iba ang kanyang passion pagdating sa trabaho bilang media practitioner. “As long as I have the voice, there’s a microphone in front of me and a number of people who are there to listen then I’ll go on with my work as (radio) announcer and continue doing public service because I enjoy what I do,” aniya.

Wika pa ni Gani, “In a newscast program, the foremost duty is to tell the truth and it ends there right after the show but in public service (format), you must have the heart to help because your obligation doesn’t stop when the show ends. We need to do some follow-up or we try to find the right contact person in some cases.”

Ang Aksyon Oro Mismo ay pinarangalan bilang Best Public Service Radio Program ng Catholic Mass Media Awards. “We always innovate and try our best to keep a balance of everything-from public service to news and entertainment. We do public service in a most diplomatic way, ‘di ako basta bumabanat, inaalam ko muna lahat hanggang legalidad kung kailangan. Of course, there are cases that we can’t find solution due to some legalities,” pahayag pa niya.

Si Gani ay kasalukuyang main anchor ng On the Go sa DWIZ 882, 5:30-7:00pm, Monday to Friday at co-anchor sa PTV-4’s afternoon newscast Sentro Balita with Angelique Lazo.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Keempee de Leon Joey de Leon

Keempee at Joey nagkaiyakan, nagkapatawaran 

RATED Rni Rommel Gonzales MATAGAL nang hindi nag-uusap sina Keempee de Leon at ama Joey …

Kathryn Bernardo Mommy Min

Kathryn madamdamin mensahe sa ina

MATABILni John Fontanilla EMOSYONAL ang mensahe ni Kathryn Bernardo sa pagseselebra ng kaarawan ng kanyang …

Maris Racal Anthony Jennings

Maris, Anthony nagpakita na sa publiko

LUMANTAD na noong Martes, Enero 7 sina Maris Racal at Anthony Jennings sa isang fan …

Rufa Mae Quinto NBI

Rufa Mae sumuko sa NBI

DUMIRETSO agad sa National Bureau of Investigation (NBI) si Rufa Mae Quinto pagkarating ng Pilipinas …

Vic Sotto Darryl Yap

Vic Sotto idedemanda si Darryl Yap

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAKASUHAN daw ni Vic Sotto ang kontrobersiyal na direktor, si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *