Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ayuda para sa mga OPM member, hiling ni Gerald

MAY tanong ang Thuy ng Miss Saigon na si Gerald Santos. 

Kapirot na nainggit sa kanyang manager na si Rommel Ramilo. Dahil ang samahang kinabibilangan nito eh, nakapag-aabot ng ayuda para sa kanilang mga miyembro.

Idinirekta ni Gerald ang tanong sa pamunuan ng OPM.

“Hindi po sa nagmamarunong o nagmamagaling ako. Ito’y opinyon ko lamang at suhestiyon sa aking grupong kinabibilangan, ang OPM (Organisasyon ng mga Pilipinong Mang aawit). 

“Sa nangyari pong pandemya na ito, sana po ay may naging programa ang OPM para sa members nito na mga displaced freelance performing artists (kung mayroon po naging programa o nakatanggap naman po ang ilang miyembro ng tulong o ayuda, paki supalpal na lamang po ako kung hindi man ako na-update o hindi lamang ito nakarating sa aking kamalayan).

“Sana po ay magsilbing aral sa organisasyon ang nangyaring pandemya. Kawawa po kasi ang mga Freelance Artist wala po talagang trabaho ngayon. 

“Sino na lamang ang maaasahan o mahihingan nila ng tulong? Hindi po kaya ang maaaring gawin ay may monthly contributions ang mga member nito( hindi ko po alam if this is possible at legal sa ating batas) para may rolling money ang organisasyon or kung may mga naging programa sila noon at may mga kinita ito ay may naitabi na funds ang organisasyon para ‘pag dumating muli ang ganitong klaseng pandemya o kalamidad man iyan, may maaasahan po ang mga freelance performing artist na ayuda mula sa mismong organisasyon na nag- aaruga rito. 

“Kaya ko po ito naisulat ay dahil sa ang manager ko na si Kuya Rommel Ramilo ay miyembro ng FILSCAP, at unang buwan pa lamang ng pandemya ay ipinarating n’ya na sa akin ang magandang balita na may Ayuda siyang natanggap mula sa FILSCAP. 

“Cash aid kumbaga dahil sa Covid-19. At nito lamang nakaraang linggo, natanggap niya ang Metrobank Card na galing mismo sa FILSCAP na siyang magiging paraan para mapadali ang pagbibigay ng royalties, tulong o ayuda mula sakanila. Napakahusay po ng FILSCAP. 

“Hindi po kaya maganda na mayroon ding ganito ang OPM para sa mga member nito? Again, ito po ay opinyon ko lamang, para ma-improve po ang organisasyong kinabibilangan ko. 

“Kung mali ang lahat ng sinabi ko at may mga programa naman at ginagawa ang organisasyon, tatanggapin ko po ‘yan at well and good. Pero sana mayroon ding monthly newsletters, or updates ang lahat ng miyembro nito para alam nila kung ano na ba ang nangyayari. ‘Yun lamang po. Maraming salamat!”

Manawagan tayo sa pamunuan ng OPM!

Si Kuya Cocoy naman kasi, eh.

 

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …