Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anjo, iniwan na ang EB; Kitkat, namuti dahil sa 5 buwang pagkukulong sa bahay

SHORT and sweet na masasabi ang pamamaalam ni Anjo Yllana sa naging tahanan din niya sa mahaba-habang panahon, ang Eat…Bulaga!

“With a heavy heart… today Aug.11 2020… I submit my resignation… thank you Dabarkads…thank you Eat Bulaga…21 years and it was a blast… Good Bye and all roads to your 50th️”

Kasi, may bago ng sasalangang noontime show si Anjo sa Net25, sa EBC (Eagle Broadcasting Corporation).

Sa nasabing programa na tatakbo Lunes hanggang Biyernes, sila ng namamayagpag sa pagti-TikTok niya na komedyana at mang-aawit na si KitKat Favia ang makakasama niya.

In short, silang dalawa ang bida!

Nakausap ko naman si KitKat na siya ngang nagkuwento ng magandang pagkakataong dumating sa kanya sa panahon ng pandemya.

“Five months mahigit ako talaga hindi lumalabas ng bahay. Dati nga, kayumanggi ako eh naging puting-puti na ako now.

“At ito ngang muli kong paglabas ng bahay pala eh, isang magandang pangyayari ang ibibigay sa akin. Hindi ko naman alam na agad-agad na pipirma na kami ng kontrata para sa show.

“This week kami magra-run through. Ang target date ng pagpapalabas ay sa September na. Kaya, ngayon ready naman na ako na mag-one-woman show sa magiging ganap kasi wala akong bitbit na PA o yaya. kaya lahat, ako. 

“Nagsimula sa mga Zoom meeting. At tinanong  nila ako kung open ako to do a show nga na mang-aaliw sa mga manonood. Ang mga bago kong makakasama sa production eh, mga galing din sa ABS-CBN and TV5. Kaya masaya kasi magkakakilala. Si Anjo, sa ‘Eat..Bulaga!’ kami nagkakasama noon. 

“Natuwa naman sila noong makita nila na mayroon pala kaming chemistry. Pero siyempre, we have to keep up with the times lalo na sa pagbabagsak ng mga joke sa panahong ito. Wala namang gaanong bawal o demands. Basta wala lang showing ng cleavage. No-no ‘yun. Excited ako. Kasi, kailangan din. Nagsara na ang aming restaurant. Si Walby naman, mayroon pa ring business niya na nagde-deliver siya ng mga salmon ganyan. Siya rin nagpa-pack.

“Alam mo naman ang  bouts ko with depression. Sakit ko pa sa stomach ko. Na okay naman na. Kaya, malaking bagay for me itong dumating na opportunity. May rason pala sa muli kong paglabas ng bahay ngayon. Ito na siya. Abangan nila!”

Abangan ang susunod na kabanata!

 

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …