Sunday , May 4 2025
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Paging IATF! LSIs ng balik-probinsiya nagkalat sa port area

DAPAT sigurong pakainin ng super-anghang na gising-gising ang mga pinuno ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) para makita nila kung ano ang itsura ng Port Area.

Alam kaya ni Chief Implementer, Secretary Carlito Galvez, Jr., ng National Task Force (NTF) CoVid-19 na halos 300 locally stranded individuals (LSIs) at maaaring sumampa pa sa 500 o higit pa ang mga kababayan nating nagtitiyagang pumila sa North Harbor sa Port Area para makasakay sa barko pauwi sa kanilang mga lalawigan sa Western Visayas?!

Ang siste, ayaw silang tanggapin ng kanilang lalawigan dahil sa takot na maghasik o magkalat sila ng CoVid-19 sa lalawigan.

Ganito raw kasi ang naranasan ng mga taga-Bacolod. Mantakin ninyo sa 91 OFWs/LSIs na dumating noong nakaraang linggo sa Bacolod, lahat sila positive sa CoVid-19?!

OMG!

Lahat ng sakay ng eroplano mula sa Maynila, positive?!

Tsk tsk tsk…

Parang sa Filipinas lang mayroong ganyan na pinapayagan mag-travel ang mga positive sa CoVid-19?! Bakit?!

        Nakatatakot talaga kung ganyan ang nangyayari. Kaya hanggang ngayon, tama ang desisyon ni Ormoc City Mayor Richard Gomez, na positive man o hindi, kapag galing sa Maynila dapat mag-stay muna sa kanilang quarantine facility. At hindi pababalikin sa pamilya hangga’t hindi natatapos ang quarantine period at hindi natatapos ang mga test.

        Alam ba ninyong ‘yung iba sa kanila ay pabalik-balik sa Port Area mula pa noong mag-general community quarantine (GCQ), kaaabang na makakuha ng tiket pauwi sa kanilang probinsiya?!

Pero dahil kailangan ngang magpairal ng social distancing limitado ang naisasakay ng barko hanggang abutan na naman ng bagong modified enhanced community quarantine (MECQ) nitong 4 Agosto.

Mantakin n’yo naman ‘yang hirap na nararanasan ng mga kababayan nating overseas Filipino workers (OFWs) at LSIs.

Ayon kay Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago, ‘yung mga may tiket na ay sa 21 Agosto 2020 pa nila puwedeng pabalikin sa Port Area dahil nga sa pagpapatupad ng bagong MECQ.

Ang masaklap lang, marami sa kanila ay nasa Port Area na at malinaw na hindi naipapatupad ang social/physical distancing kaya mas malaki ang posibilidad na marami ang mahawa sakali mang mayroong asymptomatic sa kanila.

“Those who have tickets, about 175 people, they’re staying in two areas: the concourse area and the arrival area which we converted to a temporary holding facility. Our priorities are senior citizens and those who have children. They will be the first [to be given shelter],” ani Santiago.

Ang problema, nauubusan na raw ng pondo ang PPA para sa pagkain ng mga LSIs.

“We’re running out of funds [by feeding them]. We didn’t expect this to happen and we don’t have the money for that sort of operation,” paliwanag ni Santiago.

        Kahit umano mayroong mga nagbibigay, kapos pa rin ang pagkain.

        E mga kagalang-galang na pinuno ng IATF o NTF, hindi naman siguro kailangang hintayin muna ninyo na maaprobahan ng Kongreso ang “Bayanihan to Recover as Once Act” o “Bayanihan 2” bago kayo magkaroon ng tamang huwisyo para mapagtanto ninyo kung ano ang kalagayan ng mga kababayan nating OFWs at LSIs na naririyan ngayon sa Port Area.

        Kung hindi po kayo puwedeng lumabas dahil mga senior citizens na kayo, aba, pakiutusan n’yo na lang po si Secretary Vince Dizon o kaya si Spox Harry Roque na puntahan ang mga kababayan natin sa Port Area nang maiulat at mailarawan nila sa inyo nang tama kung ano ang kalagayan ng mga kababayan nating naroroon.

        Para sa bayan, para sa ating mga kababayan, at para sa sambayanan… please ‘wag ninyong ubusin ang mga common sense ninyo.

        Salamat po!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

 

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Nelson Ty kay Isko: Yes, let’s make Manila great again!
“TAGUMPAY NI ISKO, PANALO NG MAYNILA!”

SIPATni Mat Vicencio ITO ang pahayag ni dating Barangay Chairman Nelson Ty, tumatakbong konsehal ng …

Firing Line Robert Roque

Makaka-jackpot ba uli ang mga Pineda?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. TULAD ng nangyari na sa Pasig City, pinatunayan ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Imee, Camille, laglag sa endorsement ni Digong

AKSYON AGADni Almar Danguilan TABLADO kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sina senatorial candidates Senator Imee …

Firing Line Robert Roque

Tara, PNP, pustahan tayo!

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAHIRAP paniwalaan ang patuloy na paninindigan ng Philippine National …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Hustisya sa kuwaresma hatid ng PNP sa pamilya Que-Pabilio

AKSYON AGADni Almar Danguilan TUWING kuwaresma ang lahat ay nagpapahinga, nagbabaksyon, nagninilay, etc…dahil walang pasok …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *