Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nikki, gustong ipag-bake ang lahat ng ABS-CBN employees

“KINAKAUSAP ko ang mga cakes ko!”

 

Nasabi ‘yan ng Star Magic Kapamilya na si Nikki Valdez sa isang interbyu sa kanya.

 

Sa panahon nga ng pandemya na ang tahanan lang nila ng kanyang mister at anak na si Olivia ang naiikutan niya, mas madalas siyang namamalagi sa kanyang kusina.

 

Pero ang anak niyang si Olivia eh, hindi mahilig magluto kundi mag-request sa kanya noon pa man na mag-bake o gumawa ng mga creation na maise-share naman sa kanyang school.

 

“Proud naman siya sa mga bine-bake ko. Maski ini-involve ko siya, ayaw niya. Pero may times na nagbebenta siya. Roon ko naman naituturo kay Oy na you have to work hard for it. If she wants something. ‘Yun ang bayad ko. That experience is the best teacher. Na hindi pwede na just because she wants something eh, she can have it na.”

 

Sino ang gusto niyang ipag-bake sa panahong ito?

 

“Marami. All ABS-CBN employees celebrating their birthdays. Especially, ang handler ko. ‘Yung mga tao sa Star Magic who worked hard for us. Kung pwede ko nga lang i-provide ang lahat. Nasa-sad pa rin ako. Minsan para akong baliw. Tawa ng tawa. Next moment for o reason, naiiyak ako bigla.

 

“Kaya I talk to my daughter about it. Sabi ko sa kanya to have more patience with Mama. And Dada na nagtatrabaho rin sa ABS. It’s not that I don’t have time for you to take care of you. There’s a fight we’re into. 

 

“Hindi madali ang parenting. Walang handbook for that. Hindi rin madali mag-adjust sa generation now. Naaalala ko my Mom’s words to me. Mga turo niya. Until you have your own, you will never understand me.  Kaya, just go with your heart.”

 

Palaban si Nikki pagdating sa pagtatanggol sa kanyang itinuturing na “tahanan.” Sa ngayon, maituturing siyang isa ring empowered woman na ang lakas ay hindi nasa labas. Kundi nasa loob ng puso niya sa katatagan-para sa asawa, anak at sa lahat ng Kapamilya!

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …

Klea Pineda Janella Salvador property

Janella, Klea bumili ng property

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI pa malinaw ang tunay na estado ng relasyon nina Klea Pineda at Janella …

Zanjoe Marudo Angelica Panganiban Bea Alonzo Vincent Co The Silent Noise

Zanjoe nagulat, masaya sa kasalang Bea-Vincent; Role sa The Silent Noise mahirap palampasin 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IKINAGULAT subalit masaya ang aktor na si Zanjoe Marudo sa nakatakdang pagpapakasal ng …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …