Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

JakBie, sa kusina nag-date

MARAMING paraan ang nahahanap nina Jak Roberto at Barbie Forteza, o mas kilala bilang JakBie para makapag-date pa rin kahit naka-quarantine. Para sa kanila, ang mahalaga ay ang oras na magkasama silang dalawa.

 

Kamakailan, nagkaroon ng bonding moment ang dalawa sa kusina at ibinahagi nila ito sa latest vlog nila. Ipinagluto ni Jak ang kanyang girlfriend ng espesyal na version niya ng King Crab! Kitang-kita naman sa video na nag-enjoy ang mag-jowa sa kinain nila.

 

At mukha ngang naparami ng kain sina Jak at Barbie kaya naman nagbiro ang aktres na, “Mag-promise tayo. Magda-diet na bukas, promise!”

 

Dagdag pa na kuwento ni Jak, “Noong nag-Japan tayo, hindi ko masyadong na-appreciate ‘yung king crab na kinain natin doon kasi steamed lang. Pero ito, nilagyan namin ng butter, garlic at saka kaunting sugar, kaunting salt. Binoil ko lang ng five minutes [‘yung crab] bago ko ilagay sa butter saka garlic. Ang sarap!”

 

Samantala, habang hindi pa nagbabalik-taping si Barbie para sa primetime series na Anak ni Waray vs Anak ni Biday, patuloy pa rin siyang napapanood sa rerun ng Meant To Be kasama si Jak sa GMA Telebabad.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …