Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Francine, nagbuga ng sama ng loob

HINDI na rin niya kinakaya ang mga kaganapan sa paligid. Kaya nagbuga na rin ng saloobin  ang dating sexy star na si Francine Prieto sa kanyang socmed account.

“Kahit gusto kong respetuhin ang mga supporter ng administrasyon, kung aatakihin ninyo ako ng aatakihin pwede ko kayong kasuhan, may cybercrime law na tayo. Ang Pilipinas ay isang bansang may demokrasya, bilang isang taxpayer at Pilipinong naninirahan dito, hinahanapan ko ng accountability ang gobyerno. Naglabas ako ng aking frustrations at disappointments dahil sa kakulangan na aksyon mula sa mga kinauukulan lalo na sa panghandle ng pandemic. 

“Buksan ninyo ang mga mata at isipan ninyo, okay ba sa’yo ang nangyayari sa bansa natin? Bagsak na ang ating morale, ang ating ekonomiya, ang ating healthcare system. Maraming nawalan ng trabaho, gutom at kulang na rin tayo ng tao sa medical field. Paano na tayo? Pwede naman akong manahimik, pero hindi kaya ng puso ko ang nakikita ko, kung wala kang pakialam sa nangyayari, anong klaseng tao ka? 

“Hindi tama na maging divided tayo, iisang bansa tayo. Ipaglaban natin ang nararapat at makakabuti para sa nakararami. Maraming bansa na ang nagtagumpay sa labang ito, pero tayo sa hinaba-haba ng community quarantine natin, parang nagsisimula palang umaksyon ang gobyerno. Kaya nagrereklamo ang mga kapwa natin ay para kumilos ng mabilis ang kinauukulan at kaya naman ng dahil sa mga hinaing at pagkakaisa nila ay nakakarating ito sa gobyerno at nagagawan ng paraan. 

“Ang akin lang, kung hindi kaya ng namumuno solusyonan ang mga problema ng ating bansa, ay pwede namang magresign at ibigay sa taong, nageeffort at nakikita mong kumikilos upang punan ang pangangailangan dito. Hindi ito tungkol sa anong kulay ang sinusuportahan mo, kundi ito ay para sa mga Pilipino at sa Pilipinas.”

Noon pa man, ang aktres na may katuwang sa buhay na isang banyaga ay nagpakita ng katapangan sa bawat salitang binibitawan niya sa kanyang mga opinyon.

 

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …