Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Benjamin at EA, iniwasang lamunin ng anxiety

SA episode ng Mars Pa More noong Biyernes, ibinahagi nina Benjamin Alves at EA Guzman kung paano nila iniiwasang lamunin ng anxiety dahil sa pandemyang kinahaharap natin ngayon.

 

Ayon kay Benjamin, hindi pa tuluyang nag-sink-in sa kanya ang sitwasyon sa simula ng quarantine period at masaya pa itong nag-catch up sa mga pinanonood na dramas.

 

“Ngayon lang ako nagkakaroon ng anxiety na gusto ko na lumabas. Kasi ang daming pwedeng panoorin, ang daming pwedeng gawin, but now parang nauubos na siya.”

 

Pagkukuwento naman ni EA, hindi niya naiwasang makaranas ng paranoia sa mga unang araw ng quarantine pero kalauna’y nalabanan din.

 

“Ako noong first month ng ECQ, medyo kinakabahan ako for me and for my family siyempre. Nakakapraning.”

 

Sa sharing group ng Mars Pa More ay inimbitahan din ng hosts na sina Iya Villania at Camille Prats ang Clinical Psychologist na si Richthofen de Jesus upang matulungan ang viewers na nakararanas ngayon ng anxiety.

 

Samantala, tuloy-tuloy na salubungin ang umaga with fun new segments hatid ng fresh episodes ng Mars Pa More, Lunes hanggang Biyernes, 8:45 a.m., sa GMA-7.

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …