NAKIRAMAY ang National Bureau of Investigation (NBI) sa pagpanaw ng kanilang dating director na si dating Manila Mayor Alfredo S. Lim, kasabay ng pagbaba sa gitna (half mast) ng watawat bilang pakikidalamhati ng ahensiya.
Si Lim ay tapat ay namuno at nagsilbing director ng NBI noong 23 Desyembre 1989 hanggang 20 Marso 1992.
Ayon kay NBI OIC Eric Distor, si Lim ay patuloy na bahagi ng ahensiya kahit natapos na ang kanyang panunungkulan sa NBI.
Ayon kay Distor, mami-miss nila si Lim sa NBI dahil patuloy siyang dumadalaw doon sa mga okasyon tulad ng anibersaryo, Pasko at iba pang aktibidad ng ahensiya.
“In honor of Mayor Lim, the NBI will observe half-mast of the Philippine flag in the head office and all its Regional and District Offices across the country,” pahayag ni Distor.
Samantala, nakidalamhati rin ang Manila City Hall sa pagpanaw ni Lim sa pamamagitan ng pagpatay ng ilaw ng sikat na tower clock.
Taos pusong nagpasalamat si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa serbisyo ni Lim para sa mga Batang Maynila na aniya’y hindi makakalimutan ng publiko magpakailanman.
(BRIAN BILASANO)