Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sarah at Matteo, nag-trending sa Meralco ads

NAKATUTUWA naman na trending ang pagpapaliwanag nina  Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa #AshMatt forMeralco. Sila kasi ang kinuha ng Meralco para nga magpaliwanag sa electricity bills noong mga buwan ng lockdown.

At effective naman ang ginawang paliwanag ng mag-asawa. Malaking tulong ang kanilang TV ads. Realistic kasi ang naging tema ng TV ads nina Sarah at Matteo. Sa umpisa pa lang ay sinabi nila ang sitwasyon bilang bagong mag-asawa na unti-unti pa lang sila natututo sa pamamalakad ng bahay nila.

Anila, katulad sila ng ibang customers ng Meralco na nagulat sa laki ng bills nitong lockdown, pero kapag inaral naman at naging bukas ang isipan, madali namang maintindihan.

Kaya ipinaliwanag nina Sarah at Matteo ang detalye ng naging proseso ng pag-compute ng bills. Hindi kasi nakapag-reading noong March at April dahil sa lockdown kaya naman estimated lang ang naunang pinadalang bills. Pero ang payo nila, kung hindi ito nabayaran, pwedeng itabi na lang dahil noong nakapag-reading na ng May at June, actual na consumption na ang nag-reflect sa bills.

Sa tanong na bakit tumaas ang bills noong May at ‘yung iba naman ay June? Ito anila ay dito nag-umpisang muli na magbasa ng metro at dito  naka-reflect ang actual na kinonsumo sa mga buwan ng lockdown. Dagdag pa rito na 24/7 ang mga tao sa bahay na gumagamit ng appliances na nation sa panahon ng tag-init, kaya hindi nakapagtataka na tumaas ang bayarin sa koryente.

Pero ayon nga sa mag-asawa, walang dapat ipag-alala dahil ang kinonsumo lang ang babayaran, walang labis. Kun sobra ang binayaran, pwede itong i-refund o i-credit sa susunod na bill.

At kahit bago pa lang na mag-asawa, alam nina Sarah at Matteo na hindi madaling bayaran ang tumaas na koryente dahil sa sitwasyon natin ngayon. Kaya in-explain din nila na pwede itong hulog-hulugan mula apat hanggang anim na buwan. Tiniyak din nila na walang disconnection ng serbisyo ng Meralco hanggang Setyembre 30, 2020 para naman mabigyan ng panahon ang mga consumer na mag-adjust sa budget.

Sa paliwanag na ito nina Sarah at Matteo, mas naintindihan ng netizens  ang tungkol sa bills.

Bukod sa pagpapa-unawa, pinakilig pa ng AshMatt ang mga sumusubaybay sa kanila dahil sa makabuluhan nilang tinginan at lambingan sa tatlong ads na ito ng Meralco. Maliwanag na mahal na mahal nila ang isa’t isa at magandang umpisa ng buhay may-asawa.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …