Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sam, na-pressure at ninerbiyos kina Maricel, Jodi, at Iza

EXCITED, pressured, at ninerbiyos si Sam Milby sa bagong teleseryeng handog ng JRB Creative Production ng ABS-CBN sa Agosto 17, ang Ang Sa Iyo Ay Akin na pinagbibidahan din nina Maricel Soriano, Jodi Sta. Maria, at Iza Calzado na idinirehe nina F.M. Reyes at Avel Sunpongco.

Kasi nga naman, tatlong magagaling na artista ang kasama niya.

“Nakaka-pressured. I feel very unworthy. Lahat sila sobrang galing,” sambit ni Sam nang tanungin namin kung kumusta ang pakikipagtrabaho niya kina Maria, Iza, at Jodi sa isinagawang virtual conference noong Biyernes ng hapon.

Pagtatapat pa ni Sam, “I was so nervous going into this project. Siyempre nag-iisang Diamond Star Maricel Soriano. I was so nervous. Lahat sila sobrang supportive.”

Bale first time niyang nakatrabaho sina Maricel at Iza samantalang nakasama na niya before si Jodi sa pelikulang You Are The One na pinagbidahan nila ni Toni Gonzaga.

“First time (to work) with Maricel and Iza. Being my firs time working with them, I’m so nervous,” pagtatapat ng actor. ”With Iza, we get along so well from the start. Si Ms. Maricel, she’s like the nanay in the set. She’s so kind and supportive and helpful and ‘yung pagtuturo niya sa akin sa mga eksena rin, she helps us so much which I really appreciate. Even my co actors, for the help they’ve given me. Thank you,” pagbabahagi pa ni Sam.

Nasabi naman ni Maricel na baby boy niya si Sam, at ang response rito ng actor, ”ha ha ha, oo, parang bata pa rin ako minsan.”

Abangan ang Ang Sa Iyo Ay Akin simula sa Agosto 17, pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano  sa  Kapamilya Channel at  Kapamilya Online Live. Para sa updates, sundan lamang ang ABS-CBN PR sa Facebook (fb.com/abscbnpr), Twitter (@abscbnpr), at Instagram (@abscbnpr).

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …