Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Prima Donnas, balik-telebisyon na

NAGDIWANG sa social media ang avid fans ng top-rating GMA Afternoon Prime series na Prima Donnas matapos ianunsiyo ang pagbabalik-telebisyon nito simula August 17.

 

Halos limang buwan na mula nang huling napanood ang pinag-uusapang serye. Upang patuloy na mapasaya at makasalamuha ang fans, masayang chikahan at games ang inihandog ng Prima Donnas cast sa kanilang online show na Prima Donnas: Watch From Home noong mga nakaraang buwan.

 

Kaya naman good news nga talaga para sa fans ng Kapuso series ang pagbabalik nito. Kasabay pa nito ang pagdiriwang ng serye ng unang anibersaryo ngayong buwan. Nagsimulang umere ang serye noong Agosto 2019.

 

Sariwain ang madamdaming kuwento ng tatlong Donnas na sina Mayi (Jillian Ward), Ella (Althea Ablan), at Lenlen (Sofia Pablo) at ang kanilang paghahanap ng katotohanan sa kanilang tunay na pagkatao. Abangan ang much-awaited comeback, na tampok din ang mahusay na aktres na si Aiko Melendez, sa telebisyon ng Prima Donnas simula August 17 sa GMA-7.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …