Thursday , December 26 2024

Political dynasties tunay na oligarchs sa PH — Ateneo dean

MAS laganap ang oligarkiya ngayon kaysa noon.

Ito ang binigyang-diin ni Ateneo School of Government Dean Ron Mendoza kasabay ng pagsalungat sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nabuwag na ng pamahalaan ang political oligarchs sa bansa.

Sa panayam ng isang television news channel kamakailan, sinabi ni Mendoza na ang political dynasties ang tunay na oligarchs  sa Filipinas.

“They are the ones that keep on expanding, the number of family members engaged are increasing, and their wealth is growing faster than the economy,” aniya.

Sinabi ni Mendoza na higit na nakatuon si Duterte sa oligarkiya sa mga negosyo kaysa politika, kung saan ang konsentrasyon ng kapangyarihan ay lumalaki.

Iminungkahi ng dean ng Ateneo School of Gov’t na kung nais ni Duterte na maging patas ang playing field, ang pinakamainam na paraan ay “huwag targetin ang mga pamilya at kompanya, o pahinain ang public at private institutions, sa halip ay dagdagan ang kompetisyon sa pamamagitan ng paghikayat ng pagpasok ng mas maraming players.”

Binigyang-diin ni Mendoza, hindi magbabago ang sistema kung ang isang oligarch ay papalitan lamang ng isang ‘baby oligarch’ na kalaunan ay magiging isang ‘full-grown oligarch.’

Nagpahayag din ng pangamba ang Ateneo dean na hinahadlangan ni Duterte ang bagong domestic at foreign investment sa pagtarget sa malalaking kompanya at indibidwal/pamilya na nagmamay-ari nito.

“It creates an uncertain business environment wherein refusal to align yourself with those in authority risks your company becoming a target,” giit niya.

“The long-term impact of a personalistic approach to certain alleged oligarchs is a complete opposite of a level playing field nurtured by strong institutions. Investors are averse to uncertainty and high regulatory risk in dealing with the government. It will emphasize the ties between business and politics in worst ways. Businesses who are simply doing what has been agreed on the contract are prone to make corrupt practices to remain favorable to those in power, “ wika ni Mendoza.

Idinagdag ni Mendoza, “oligarchy is not dismantled when an oligarch simply tries to take down another oligarch.”

“When political dynasties become fatter, oligarchic behavior increases. This behavior means that the concentrated power is being used to acquire even more power to influence the economy or nation,” paliwanag niya.

Binigyang-diin ni Mendoza, ang pagbasura sa ABS-CBN franchise renewal ay makaaapekto sa kompetisyon sa loob ng broadcast industry, na duopoly na lamang ng  ABS-CBN at GMA.

“The denial of ABS-CBN’s franchise did not only result in 11,000 job losses; it also affects information dissemination around the country, especially during election and typhoon seasons. There would also be changes in the consumption behavior of the people who lost their jobs and other businesses that relied on the network’s operations,” ani Mendoza.

Iginiit niya na mas marami ang oligarchs sa politika kaysa mga negosyo.

“In fact, the political dynasties are the real oligarchs in the country. They are the ones that keep on expanding, the number of family members engaged are increasing, and their wealth is growing faster than the economy.”

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *