Wednesday , December 25 2024

Pelikulang Parola, kuwento ng mga munting pangarap

ANG mga pangunahing karakter sa pelikulang Parola ay base lamang sa kathang-isip, pero ang ilang kaganapan dito’y hango sa tunay na pangyayari sa munisipalidad ng Lobo, Batangas. Gaya ng pagmamahal at pangangalaga ng mga mamamayan nito sa kanilang mga likas na yaman, sa pangunguna ng kanilang alkalde na si atty. Jurly R. Manalo.

Ang Parola ay kuwento ng apat na batang sina Buwan, Ningning, Ces, at Onald na may kanya-kanyang munting mga pangarap. Hirap man sa buhay, nais pa rin nilang maitaguyod ang pag-aaral para sa kanilang mga pamilya. Dahil naniniwala silang edukasyon lamang ang mag-aahon sa kanila sa kahirapan.

Matapos mamatay ang mga magulang sa isang aksidente, ang kanilang tiyo Lando na ang kumupkop kina Buwan at sa nakababata nitong kapatid na si Kiko. Pero sa halip na arugain ay naging malupit si Lando sa kanyang dalawang pamangkin. Batugan at lasenggero si Lando, at umaasa lamang sa suntento ng kalaguyo.

Ang dating masayang pamilya ni Ningning ay nagbago mula nang iwan silang mag-iina ng kanilang padre-de-pamilya na sumama sa ibang babae. Hindi rito nagtatapos ang pagdurusa niya, dahil namatay naman ang kanyang inang si Minda sa sakit na breast cancer. Habang si Onald naman ay nagtitinda ng kakanin kapag may libreng oras para makatulong sa kanyang amang si Raul, na isang mangingisda. Dahil sa ibang bansa nagtatrabaho ang kanyang ina, naiinggit ito sa ibang kaibigan na buo ang kanilang pamilya. Kaya umaasa siyang sa muling pagbabalik ng kanyang ina ay mabubuong muli ang kanilang pamilya. Pero ang hindi alam ni Onald, hindi na babalik ang ina dahil nag-asawa na ito sa ibang bansa. Si Ces, bagamat buo at masaya ang pamilya, dala pa rin ng kahirapan kaya nagsisikap ito sa kanyang pag-aaral para sa hinaharap ay mabigyan niya nang magandang buhay ang mga magulang.

Sa kabila ng kanilang mga pinagdadaanang hirap sa buhay, nagkakaisa naman sila sa pangangalaga ng kalikasan. Sila ang nagsisilbing bantay sa likas na yaman ng kanilang bayan. At sa panahon ng kanilang mga pagsubok sa buhay, laging naririyan ang kanilang titser Ela, na nagsisilbi rin nilang ikalawang nanay.

Handog ng Rol-Ex Film Production, kasama sa pelikula sina Ricardo Cepeda, Richard Quan, Dexter Doria, Giselle Sanchez, Jess Sanchez, Alma Concepcion, at iba pa. Introducing dito sina Azaleia Viernes, Princess Bernasol, Ronald Masagca, Jr., at Edison Dotarot.
Abangan very soon ang Parola, sa direksiyon nina Danny Marquez at Francis ‘Jun’ Posadas. Ang screenplay ay mula kina Danny Marquez at Johara Maligang.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *