Monday , December 23 2024

Mega web of corruption: IBC-13 officials na nagpabagsak sa state-run network mananagot

ni ROSE NOVENARIO

MANANAGOT ang mga opisyal ng Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13) na naglagay sa state-run network sa naghihingalong kalagayang pinansiyal.

Inihayag ito ni Sen. Christopher “Bong” Go bilang reaksiyon sa mga naisiwalat na katiwalian sa IBC -13 at sa pagdurusa ng mga manggagawa nito.

Tiniyak ni Go na maaaksiyonan ang mga hinaing ng mga obrero kaya’t ipinarating niya sa Office of the President at Presidential Communications Operations Office (PCOO) upang kagyat na maimbestigahan ang mga responsableng opisyal.

“Sisiguradohin kong maaaksiyonan ang mga hinaing ng workers’ union ng IBC-13. Ipinarating na natin sa Office of the President at sa PCOO ang concerns na ito at inaasahan ko na maaaksiyonan sa lalong madaling panahon,” ani Go sa kalatas na ipinadala sa HATAW kahapon.

“Ukol naman sa mga alegasyon laban sa management, iniimbestigahan na ito at sisiguradohin nating lumabas ang katotohanan,” dagdag niya.

Matatandaan na dalawang beses nagpadala ng liham kay Go ang IBC Employees Union, una noong 6 Marso 2018 at ikalawa ay noong 19 Abril 2020, hiningi ang tulong ng senador para maisakatuparan ang matagal nang balak na pagsasapribado o privatization ng IBC-13.

Nakasaad din sa liham na matagal nang nagdurusa ang mga empleyado ng IBC- 13, walang basic pay increase alinsunod sa collective bargaining agreement (CBA) noong 2008, ang mga benepisyo na nakasaad sa CBA ay hindi ipinagkaloob nang husto habang ang matataas na opisyal ng korporasyon ay nagpapasasa sa mataas na sahod, benepisyo, at pribilehiyo gaya ng communication, fuel and transportation allowance, representation and transportation allowance (RATA) at iba pa.

“This, not to mention several internal abuses of some managers specially the HR manager using her power to suppressed employees that are against her administration,” sabi ng IBCEU.

Si Corazon Reboroso ang HR manager at officer-in-charge ng IBC-13 kapalit ni Katherine de Castro na itinalagang general manager ng People’s Television Network, Inc.

Binigyan diin ni Go na hiniling niya sa PCOO at iba pang kaukulang ahensiya ng pamahalaan na madaliin ang pagsasapribado ng IBC-13 at tiyakin na mabibigyan ng proteksiyon ang kapakanan ng mga manggagawa.

Lahat aniya ng mga benepisyong para sa mga obrero alinsunod sa batas ay ibigay sa kanila sa lalong madaling panahon lalo na’t may nararanasang krisis sa bansa.

“At the same time, I am asking PCOO and other concerned agencies to fast track the privatization of IBC-13 and ensure that the welfare of its workers are protected. All benefits mandated by law must be given to them the soonest possible time given the ongoing health crisis we are all facing right now,” sabi ni Go.

Kailangan din aniyang tiyakin na hindi malulugi ang gobyerno sa proseso nang pagsasapribado sa IBC-13 kaya’t dapat pag-aralan mabuti at ikonsidera ang kasalukuyang kalagayang pinansiyal ng state-run network gayondin ang sitwasyon ng ekonomiya.

“Let us also make sure that the government is not shortchanged in the process once the government-owned media network is privatized. The government should thoroughly study and consider the current financial situation of IBC-13 as well as the economic conditions at play at this time,” anang senador.

Sa pagsusulong ng privatization, muling iginiit ng mga empleyado ang nauna nilang posisyon na ang privatization package ay dapat igarantiya ang pagbabayad nang buo para sa separation at retirement pay at kanilang mga benepisyo.

“Sa kasalukuyan,” anang IBCEU, “umabot na sa daan-daang milyong piso ang utang ng management sa mga aktibo at retiradong empleyado.”

“Aksiyonan na po dapat ito sa lalong madaling panahon. Unahin natin ang interes at kapakanan ng ordinaryong mamamayan, lalo ang mga apektadong manggagawa na nangangailangan ng agarang tulong ngayon. Gawin na ang dapat gawin, ibigay ang dapat ibigay, at mapanagot ang dapat managot,” sabi ni Go.

Kaugnay nito, ikinatuwa ng mga obrero ang naging tugon ng senador sa kanilang mga hinaing.

“Welcome development sa amin ang statement ni Sen. Bong Go at umaasa kami na tatalima ang management sa tamang direksiyon upang magkaroon ng katuparan ang lahat nang tinuran ng senador sa kanyang kalatas,” ayon kay Alberto Liboon, IBCEU president. (MAY KASUNOD)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *