Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Elijah Alejo, napaiyak sa sorpresa ng fans

HINDI napigilan ng Prima Donnas star na si Elijah Alejo na maiyak sa inihandang sorpresa ng kanyang fan club bilang pagdiriwang ng kanilang 9th anniversary.

 

Sa kanyang vlog, ibinahagi ng Kapuso teen star kung bakit siya naiyak sa kanilang virtual celebration.

 

Aniya, “Kung nagtataka po kayo kung bakit medyo mugto ‘yung mata ko kasi kanina nag-Zoom celebration po kami ng Elijahnatics, pinaiyak po nila ako. Pero kahit po pinaiyak po nila ako, eH, love ko naman po sila. Masyado po akong natuwa kaya po umiyak ako.”

 

Hindi naman nakalimutan ni Elijah na pasalamatan ang kanyang loyal fans sa kanilang patuloy na pagsuporta sa kanya since 2010 nang pasukin niya ang showbiz.

“Thank you dahil pinararamdam niyo sa akin kung gaano ninyo ako kamahal, everyday. Kasi sa mga chat lang, ipinararamdam ninyo sa akin ‘yung suporta ninyo sa lahat ng bagay. Thankful ako na nandyan kayo para sa akin, thankful ako sa mga effort na ginagawa ninyo. Hinding-hindi ako magsasawang pasayahin kayo,” say ng aktres.

 

Samantala, habang hindi pa nagbabalik-taping si Elijah para sa serye, napapanood pa rin siya at ang iba pang cast ng top-rating GMA Afternoon Prime series sa Prima Donnas: Watch From Home. Bisitahin lang ang gmanetwork.com/GETS or GMA Entertainment Shows Online para sa exclusive news and content ng inyong paboritong Kapuso shows.

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …