After seventeen years and three months on the air, the commentary program of DZMM Dos Por Dos has bid their countless listeners adieu.
According to anchor Anthony Taberna bago nagtapos ang kanilang programa last Friday, July 31, “Kami po ay nagpapaalam na sa tunay na kahulugan.”
Gerry Baja countered, “Ang Dos Por Dos po ay titigil na sa pagsasahimpapawid.
“Dos Por Dos is signing off. Maraming Salamat po.”
Punong-puno ng pasasamalat ang dalawa sa ABS-CBN management na sumuporta at nagbigay sa kanila ng oportunidad.
Looking back, Taberna said that their program started on a 30-minute airtime.
After a few years, naging panghapon ang kanilang programa at ginawang isa at kalahating oras.
In his Instagram feed, Taberna made a promise na hindi mawawala ang tinig na sinundan ng sambayanan.
“Sabi nila, Musicians don’t retire, they just stop when there’s no more music in them.
“Hindi man po kami musikero kahit ang tawag sa amin ay Kumbachero, naniniwala po ako na ang mga tinig na inyong pinakinggan simula pa noong mahigit 17 taon ang nakararaan, ay nananatiling malakas, malinaw at puno ng buhay.
“Habang may Filipino na naghahanap po ng ngiti sa gitna ng pagsubok, pansamantalang kasiyahan sa kabila ng kagutuman at kalinawan sa mga isyu ng bayan, ay hindi mawawala ang mga tinig na inyong minahal at sinubaybayan.
“Ang Dos por Dos ay higit po sa isang programang pang hapon.
“Ito ang tinig ng dalawang ordinaryong mamamayang gaya ninyo, na kahit nadadapa ay mabilis na bumabangon, na tamaan man ng dagok ng buhay ay nananatiling matibay, baon ang paniniwala na hindi ang sandaling ito ang katapusan.
“Hanggang sa muli, kahit saan, para sa inyo.
Nagmamahal,
“Ang inyong mga Kumbachero, Anthony Taberna, Gerry Baja #dospordosangpagtatapos #dospordosanghulingepisode @itsmegerryb”
The seasoned GMA and DZBB radio at television anchor Arnold Clavio gave a succinct comment.
“Trust in the Lord,” he said obviously commiserating with the two broadcasters.
Baja also has some succinct post on Instagram.
“Will surely miss this place!” he said obviously hurting.
More than 25 years na si Gerry sa DZMM, ang estasyong sinalihan niya noong October 1994 bilang news writer.
Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.