Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Buska ng management ni Xander Ford — ‘Wag kayong magmalinis

NAGHAHAMON at nangangamoy away ang management ni Xander Ford na hindi natitigil ang katakot-takot na bashing from the netizens.

Hindi na rin nakapagpigil at pumatol na ang tumatayong manager nito sa kaliwa’t kanang batikos sa kanyang alaga.

“Sa mga peke kong kaibigan dito sa facebook kayo na mauna mag-unfriend sa akin. 

“Para di nako mahirapang isa isahin pa kayo. Di ko kailangan ng mga taong mapagpanggap sa harapan ko or kung magcomment parang very close tayo. 

“Pero kung maka-bash kayo sa kumpanya ko wagas! Hindi namin hawak ang buhay ng mga talents namin. 

“Ang pangunahing layunin namin ay makatulong lamang at syempre para kumita (of course may negosyo bang itinayo para malugi). 

“Si Marlou or Xander Ford ay isang halimbawa ng taong tinutulungan mo na pero hindi kayang tulungan ang sarili. Bakit hindi namin sya tinatanggal? 

“We want to be FAIR and daanin sa due process so we can set an example to our other artists. Now that Marlou is under indefinite suspension, pag napatunayan na sya ay nagkasala sa mga kasong isinampa sa kanya ng ex-gf nya, I will immediately terminate him. 

“’Yan ang due process. Ang problema sa ibang bashers, akala mo kung makacomment e mas masahol pa sila kay Marlou sa totoong buhay. 

“Gumising kayo sa katotohanan! Wag magmalinis. Kayong mga naturingang mas matagal pa sa industriya lalo na kayo, kayo dapat ang mas nakakaunawa. 

“Tigilan n’yo ko sa mga kaplastikan nyo! Star Image Artist Management will always be here to help aspiring artists at mga baguhan, including yung mga struggling and sinasabi nyong TRASH! 

“Dahil ang basurang mga sinasabi nyo, amuyin nyo sarili nyo, baka mas mabaho pa kayo! Mga parasites naman kayo. But then I forgive you. We are too busy with our upcoming projects and grateful to GOD. Sana kayo rin maging busy at may pagkakitaan. Wag yung busy sa pagpuna at pambabash. Kaya hanggang dyan nalang kayo e.”

Ayan! Hindi na nakapagpigil, si “David Bowie.”

 

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …