Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arnell Ignacio, tinawanan lang ang mga nambubuska sa kanya

NAGHAHAMON din ba ng gulo ang mga taong nagkomento sa payong ibinahagi ni Arnell Ignacio kay Jennylyn Mercado?

Say ni Arnell kasi, “Payo lang, ‘wag niyo (nang) pasukin ang hindi ninyo linya. You have very successful careers dahil mahusay kayo sa linya’ng paga-artista. 

“Do not ever think the power of popularity will instantly translate into mastery of the political jungle. Wawasakin ninyo mga carers ninyo.”

Nag-react ang maraming showbiz netizens like producer Shandii Bacolod.

“Eh ikaw nga pumasok sa Pulitika di mo naman linya. Cheka. 

“VOTE JENNYLYN MERCADO FOR PRESIDENT!”

May nagsabi rin, “Lahat naman ata ng pinasok ni Arnell, di siya naging successful. Hindi talaga siya makaka-relate sa ginagawa ni Jennylyn.”

From Sue Prado“Nag-mirror-mirror on the wall ang shuta. Ang sabi nga ng mga tsismosa sa talipapa, sa bibig najujuli mae ang isda.”

Sacha Galve said, “baklang hamog.”

Isang komento naman ang pumabor sa kanya mula kay Logie Dujunco“DA Arnell Ign did not join the political arena. Arnell served in the government agencies without any political agenda. Magtigil nga kayo kung di niyo alam ang difference ng Public Service sa Elective positions. 

“Ang Bobo pa kamo.33 yo si Jennelyn Mercado now. 35 years old sa 2022. Eh 40 years old age requirement to be President. Ang BOBO BOBO lang.”

At sinagot ni Arnell, “Thank you Logie Dujunco. At ako hindi ako pabalik ng showbiz. I was cautioning them to be very careful because their actions can detrimentally harm their careers. In fact the advice ahould have been appreciated. Pero at least ang ganda ko sa picture.”

Nang tanungin ko si Arnell sa reaksiyon niya, tawa lang ito ng tawa.

“At least, ang ganda ng picture ko na ginamit, ha. But seriously, ako naman eh nagbigay din lang ng opinyon ko. 

“Sa Facebook ba ako pumasok? At ako inaral ko hindi ako sa Facebook nagngangangakngak tungkol sa trabaho ko sa gobyerno.

“Hahaha la naman ako pakialam sa kanila. Hahaha naku mag-enjoy sila ako nagtitinda!”

Sa panahon nga ng pandemya, hindi inilugmok lang ni Arnel, pati ng kanyang anak na dalagang si Pia, sa pagmukmok sa bahay ang buhay nila.

Naipa-renovate ang bahay niya sa Cainta. Nakapag-bukas ng franchise niya ng Siomai. At ngayon, nabuksan na rin ang tindahan niya ng mga sabong panlaba (Sabon Depot) na ginagamit ng karamihang may laundry shops.

At nang kinakausap ko nga, kaka-sold out lang ng kanyang kalalagay lang sa mga istanteng liquid detergent soaps.

Kilala ko na si Arnel na hindi mapagpatol, lalo na sa bashers. At nirerespeto pa rin naman niya ang laman ng utak ng mga ito.

Pero sa panahong ito pa ba naman magsisimula ng ganitong klase ng mga giyera ang mga tao?

 

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …