Thursday , December 26 2024

Actuarial life ng Philhealth 1 taon na lang

MULA sa mahigit 10 taon ay isang taon na lamang ang actuarial life ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ito ang inamin ni PhilHealth Senior Vice President for Data Protection Office Nerissa Santiago  sa pag-arangkada ng pagdinig ng Senate Committee of the Whole kahapon.

Ayon kay Santiago, posibleng hindi na sila makapagbigay ng benepisyo sa mga miyembro nito sa 2022.

Sa pagtatanong ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, sinabi ni Santiago na sa kanilang pagtaya, sa pagtatapos ng taon ay aabot na sa P90 bilyon ang kanilang losses at sa pagtatapos ng 2021 ay aabot na sa P147 bilyon.

Iginiit ni Santiago na kung hindi sila mabibigyan ng karagdagang subsidiya ng gobyerno ay posibleng hindi na kayanin pa ng PhilHealth ang pagkakaloob ng  mga benepisyo.

Sa naturang pagdinig ay dinikdik din ng mga senador ang mga opisyal ng PhilHealth kaugnay sa sinasabing anomalya sa kanilang tanggapan.

Kinuwestiyon  ni Senador Panfilo Lacson ang umano’y maanomalyang pagpapalabas ng advance na pondo para sa ilang medical facilities, kabilang ang dialysis centers at mga maternity package sa ilalim ng Internal Reimbursement Mechanism (IRM) na para sana sa COVID-19 treatment.

Ilan sa tinukoy ni Lacson ang pagpapalabas ng kabuuang P45.176 milyon sa B. Braun Avitum Philippines Free Standing Dialysis Center,  gayondin ang P226.38 milyong maternity package.

Inilinaw ng mga opisyal ng PhilHealth na binigyan ng pondo kahit ang mga non-COVID-19 patients dahil nakasaad sa kanilang programa na lahat ng ospital na may pending claim ay dapat mabigyan.

Ibinunyag din ni Senador Francis Tolentino na nakatanggap sila ng impormasyon na ilang pagamutan, partikular sa lalawigan ng Cebu, ang idinedeklarang may COVID-19 ang kanilang pasyente kahit wala para lamang makasingil sa PhilHealth.

Kinuwestyon din ni  Lacson ang mga opisyal ng PhilHealth sa pagbili ng umano’y overpriced na network switch layer.

Sa datos na iprenesinta ni Lacson, noong 2019 ay bumili ang Philhealth ng switches sa halagang P4.81 milyon gayong  ang market price nito ay P939,360 lamang o overpriced ng P3.87 milyon.

Ngunit kahit nakaimbak pa sa bodega ang mga equipment na ito ay muli umanong binalak ng ahensiya na bumili ng karagdagang switch.

Naging mainit din ang pagtatanong ni Tolentino hinggil sa mga opisyal ng PhilHealth na una nang pinagbibitiw ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Inamin ni PhilHealth President and CEO Ricardo Morales na hindi niya ipinatupad ang mga resolution kaugnay sa pagpapa-resign sa mga opisyal ng ahensiya dahil possible aniyang maparalisa ang kanilang operasyon.

Ipinaalala ni Tolentino na pinagbibitiw ang ilang opisyal ng Philhealth dahil sa isyu ng katiwalian ngunit imbes ipatupad ang kautusan ay nabigyan pa ng promosyon.

Itinanggi ito ni Morales at iginiit na wala rin namang naihaing kaso laban sa mga opisyal ng Philhealth kaya nanatili sa kanilang puwesto.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *