Friday , December 27 2024

Modified ECQ part 2 nganga sa ayuda

NGAYONG araw opisyal na ipinatupad ang modified enhanced community quarantine (MECQ).

        Mula 4 Agosto hanggang 18 Agosto, kailangang manatili sa loob ng ating mga tahanan, lalo na kung hindi naman kailangang lumabas.

        Ibig sabihin, ‘yung mga kababayan natin na umaasa sa araw-araw na paglabas ng bahay para kumita ay muli na namang mamaluktot sa kanilang tahanan at pipiliting pagdugsungin kung ano ang mayroon sila — na alam naman nating lahat na milagro na lang kung mapag-abot nila sa loob ng dalawang linggo o 14 na araw.

        Suspendido ang lahat ng pampublikong sasakyan kabilang ang traditional jeepney na kailan pa lang pinabibiyahe, modernized jeepney, bus, taxi, transport network vehicle services (TNVS), tuktok, tricycle, at pedicab.  

        Gaya nang dati, mga authorized persons outside residence (APOR) lang nag puwedeng lumabas ng tahanan — sila ‘yung frontliners sa iba’t ibang larangan o area of work.

        Ang mga pumapasok sa opisina kailangan i-provide ng shuttle service ng kanilang kompanya.

        Ang frontliners sa medical community, as usual, gagamit ng sarili nilang sasakyan, ang iba magba-bike, kasi hindi natin alam kung maglalaan ang Department of Transportation (DOTr) ng shuttle service para sa ating mga frontliners na doktor, nurses, med tech, rad tech at iba pa.

        Ang mga manggagawa, mayroong bike-to-work, puwedeng angkas sa motorsiklo sabi ni P/Lt. Gen. Guillermo Eleazar, ang commander ng Joint Task Force COVID Shield. Basta kaya nilang patunayan na sila ay APOR, wala umanong problema sa checkpoint.

        Yes, Philippines and sambayanang Pinoy, mayroon na namang checkpoint lalo sa mga lugar na boundaries ng Mega Manila to Bulacan, Cavite, and Rizal. At ang Cavite to Laguna.

        As usual, ang bawat pamilya ay bibigyan ng isang quarantine pass para makalabas sa kanilang mga tahanan. Kung sino ‘yung nakapangalan sa quarantine pass, siya lang umano ang makalalabas. In short, siya ang balagoong sa pamilya.

        Heto ngayon ang malungkot na bahagi ng MECQ Part 2, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ubos na ang pondo at wala nang maibibigay na pang-ayuda para sa mga kababayan nating hindi makapagtatrabaho sa panahon ng MECQ.

        Tanong lang po, alam kaya ni Pangulong Digong na hanggang ngayon ay marami pa ang hindi nakatatanggap ng 2nd tranche ng Social Amelioration Program (SAP)?

        Siyempre ang sagot, malamang HINDI!

        Kasi nga naniniwala si Pangulong Digong na kapag naiutos na niya, responsibilidad na ng inutusan niya na sundin at ipatupad iyon.

        E paano kung hindi pala ginawa o kung nagpawarde-warde muna bago ginawa?!

        Nawala na yata ‘yung grupong dapat ay tumutulong kay Pangulong Digong para mag-check kung tumatagos hanggang sa ibaba ang kanyang mga ipinag-uutos.

        ‘Yung bukod sa mga ‘pinagkakatiwalaan’ niyang Marawi generals ay mayroon pa sanang isang grupo na umaalalay sa kanya at nag-uulat nang may katotohanan para kapado niya kung ano ang nangyayari hanggang sa grassroot level.

        Pero mukhang wala nang ganoong component ang gobyerno ni Pangulong Digong.

        Sa pakiwari natin ay naputol ang kanyang direktang ugnay sa grassroot level kaya mukhang hindi niya nasasalamin kung ano ang nangyayari sa maliliit nating kababayan.

        At ‘yun siguro ang dahilan kung bakit tila walang bigat sa kanyang dibdib nang sabihin niyang wala nang ayudang maibibigay sa MECQ Part 2.

        Kung baga, sinabi ‘yan ni Pangulong Digong nang walang mabigat na alalahanin sa dibdib. Mukhang nagiging sintigas na parang bato ang puso niya, gaya ng mga heneral sa IATF, sa maliliit nating mga kababayan na naniniwalang kakalingain niya.

        Ayaw maalis sa isip natin ang jeepney drivers na namamalimos sa lansangan dahil bawal silang pumasada pero wala rin natanggap na ayuda kaya gutom ang kinahinatnan.

        Mahirap matulog kapag nakikita sa social media ang maraming mahihirap na pasyenteng nakapila sa labas at hindi makapasok sa loob ng ospital dahil marami pang pasyenteng tinitingnan at inaalam kung nahawaan na ba sila ng coronavirus.

        Hindi natin alam kung ganyan din ang nararamdaman ng Pangulo.

        Bigla tuloy nating na-miss si dating CabSec. Leoncio Evasco Jr., at ang kanyang Kilusang Pagbabago (KP).

        Tsk tsk tsk…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *