Friday , April 25 2025

Mega web of corruption: ‘Little President’ et al sa IBC-13 isinumbong sa Palasyo

ni ROSE NOVENARIO             

ISINUMBONG ng mga obrero ng Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13) ang mga katiwaliang nagaganap sa state-run television network na umano’y pinangungunahan ng tatlong matataas na opisyal ng management sa Palasyo.

Halos isang taon na ang nakalipas o noong 19 Agosto 2019,  nagpadala ng liham si IBC Employees Union (IBCEU) president Alberto Liboon kay Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner na humiling na imbestigahan sina Corazon Reboroso, Human Resource Development Manager; Finance Manager Dave Fugoso; at Audit Manager Jay Girang dahil sa ilang taon nang iregularidad sa state-run network.

“Considering the authority and power of the HRD manager as she’s acted most of the time as the ‘little president’ of the company, she acts and decides based on her own interpretations and sole decision such as firing and dismissal of employees (mostly without the knowledge of the Board and President). The two other are ccomplices,” ayon kay Liboon.

Ilang kawani aniya ang nanalo sa naisampang kaso laban sa naturang IBC-13 officials sa National Labor Relations Commission (NLRC).

Sabit aniya ang tatlong opisyal sa mga pagpapasya sa operasyon ng IBC-13 na kontra sa interes ng kompanya at mga empleyado gaya ng ilang Commission on Audit Report on Salaries and Allowances, hindi pagsunod sa Department of Labor and Employment (DOLE) regional wage orders sa Visayas area mula 1999 hanggang 2018, joint venture agreement (JVA) sa R-II Builders, tax evasion, pagbalewala sa mga mekanismo sa promotion at hiring ng mga empleyado at rare block timer contract.

Nabisto rin ng unyon na ilang miyembro ng IBC-13 board ay tumanggap ng representation and transportation allowance (RATA) kahit wala silang karapatan magkaroon nito.

“Based on the copy of the receipts that they have submitted for the reimbursement claims, there were instances that certain BOD submitted two receipts for a gasoline in just one day with minute’s interval somewhere in Quezon province.”

Giit ng IBCEU, todo suporta sila sa pagsusumikap ng gobyerno na isapribado ang IBC-13 ngunit habang naghihingalo ang kompanya, at hindi mabayaran ang mga benepisyo ng mga empleyado, hindi madagdagan ang sahod, ilang opisyal, at board members ay ginagawang gatasan ang state-run TV network at walang pakialam basta nagpapasarap sila sa kanilang perks/privileges.

Bukod kay Belgica, binigyan din ng kopya ng sulat sina Communications Secretary Martin Andanar, Sen. Christopher “Bong” Go at noo’y IBC-13 President at CEO Katherine de Castro.

Hanggang sa ngayon, walang tugon o aksiyon ang apat na opisyal ng administrasyong Duterte sa hinaing ng mga obrero ng IBC-13. (MAY KASUNOD)

About Rose Novenario

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *