Monday , December 23 2024

Kaban ng bayan nasimot ayuda ubos na (Sa bagong Modified ECQ)

SAID na ang kaban ng bayan kaya’t wala nang kakayahan ang administrasyong Duterte na magbigay ng ayudang pinansiyal at pagkain sa mga mamamayan.

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakalawa ng gabi na kaya hindi na niya maaaring isailalim sa enhanced community lockdown (ECQ) ang Metro Manila, ayon sa apela ng health workers, ay bunsod ng kapos na kakayahan ng gobyerno na tustusan ang mga pangangailangan ng mga residente na muling ‘ikukulong’ sa kanilang mga tahanan.

“What are we doing? What can we do? Magbigay ng pera? Wala na tayong pera. I’m sorry Manila. Ngayon magsabi kayo, ‘I-lockdown mo na ang Maynila, ang ibang lugar, entire Philippines para talagang wala nang mahawa.’ Wala ka nang mahawaan, wala ka nang mahawa.  Problem is wala na tayong pera. I cannot give food anymore and money to people,” anang Pangulo sa public address kamakalawa ng gabi.

Ang Filipinas aniya ay hindi puwedeng itulad sa ibang mayayamang bansa na may sapat na kakayahan para harapin ang pandemya.

“Iilan lang ang tao talaga na may savings na good for a rainy — ‘yan, savings for a rainy day? Well our savings is just good for a drizzle. Ambon lang. Iyong ibang preparation for a typhoon,” paliwanag niya.

“Hindi tayo mayaman. Do not compare us because our money is equivalent to about P49. For today, it’s P49. Ang ating 49 pesos isang dolyar lang ‘yan,” giit niya.

Gayonman, maglalaan aniya ang gobyerno ng hanggang P20 bilyon kapag handa na ang gamot o bakuna mula sa China laban sa COVID-19. (ROSE NOVENARIO)

 

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *