Friday , May 9 2025

Bentahan ng alak puwede kahit MECQ, tsismisan bawal ( ‘Wag lang uminom sa kalye)

IPINAGBABAWAL ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang pag-inom sa kalsada makaraang payagan ang bentahan ng alak sa Maynila kahit nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) at ‘tsismisan’ sa komunidad o opisina upang makontrol ang pagtalsik ng ‘laway’ na maaaring pagmulan ng pagkalat ng coronavirus o COVID-19.

Sa pahayag ng alkalde, nabatid na patuloy ang pagpapatupad ng kasalukuyang Manila curfew mula 10:00 pm hanggang 5:00 am.

Bawal lumabas ang high-risk groups na senior citizens at mga menor de edad base sa panuntunan na nakasaad sa inter-agency task force (IATF) guidelines.

Pinulong ni Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna ang barangay bureau na pinamumunuan ni chairman Romeo Bagay para sa sa muling pagpapatupad ng ‘quarantine passes.’

Tulad nang dati, isa kada isang pamilya ang bibigyan at tanging ang mga nasa edad 21 hanggang 59 anyos ang papayagang lumabas upang bumili ng mga importanteng pangangailangan.

Mahigpit na ipatutupad ang coding system sa mga may hawak ng quarantine pass upang hindi dumagsa sa mga pamilihan.

Sa pagpapatupad ng coding system sa quarantine pass, ang ending number ang susundin sa araw na itinakdang maaaring lumabas upang makabili ng pangangailangan.

Pahayag nina Moreno at Lacuna, mahalaga ang coding system sa QPass upang mapanatili ang physical distancing at makontrol ang pagdagsa ng tao sa pampublikong lugar.

Samantala, ang bentahan ng alak ng mga establisimiyento ay base sa umiiral na panuntuntunan ng IATF.

Babala ni Mayor Isko sa mga Manileño, inatasan niya ang Manila Police District (MPD) na mahigpit na ipatupad ang mga ordinansa partikular ang pagbabawal na uminom sa kalsada.

Kaugnay nito, ipinagbabawal din ng Alkalde ang ‘tsismisan’ sa mga opisina at komunidad upang maiwasan ang posibleng COVID-19 transmission.

Pinuri ni Isko ang health sector ng pamahalaang lungsod ng Maynila sapagkat ang growth rate ng COVID-19 ay bumaba sa 78%.

Aabot sa siyam na lungsod sa National Capital Region ang tumaas ang growth rate mula 90% pataas. (BRIAN BILASANO/VV)

About Brian Bilasano

Check Also

Abby Binay Nancy Binay

Abby Binay ‘much better’ matalo sa Senado kaysa manalo si Nancy sa Makati

TILA ‘much better’ pa kay Mayor Abby Binay na matalo sa Senado at mabigong makapasok …

ACT-CIS Partylist

ACT-CIS Partylist nakapaghatid ng mahigit P1.4-B serbisyo sa 300k plus Filipino sa isang taon

BILANG patunay ng matibay na adbokasiyang mailapit ang serbisyo publiko sa mamamayan, matagumpay na naipamahagi …

Erwin Tulfo

Sa pinakabagong SWS survey
ERWIN TULFO, CONSISTENT FRONTRUNNER SA SENADO

ILANG araw bago ang eleksiyon sa Lunes, 12 Mayo, patuloy na nangunguna sa karera sa …

050925 Hataw Frontpage

Habemus Papam

HATAW News Team HINIRANG na ang bagong Santo Papa ng Simbahang Katoliko. Kahapon, 8 Mayo …

Alden Richards Tom Cruise

Alden Richards sobra ang katuwaan nang makita si Tom Cruise  

MATABILni John Fontanilla KITANG-KITA ang katuwaan kay Alden Richards nang makaharap ng personal ang  Hollywood …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *