Wednesday , April 23 2025

Mega web of corruption: Obrero ng IBC-13, pinaasa sa wala ng Duterte admin

ni ROSE NOVENARIO

TSINUBIBO ng administrasyong Duterte ang may 132 obrero ng Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13) at napako ang mga pangakong mababayaran ang daan-daang milyong utang sa kanila ng management.

Nabatid na may nakahaing reklamo ang IBC-13 Employees Union (IBCEU) sa Department of Labor and Employment (DOLE) kaugnay ng unfair labor practices (ULP) na nagaganap sa IBC-13.

Kabilang sa inalmahan ng unyon ang unpaid benefits ng mga obrero mula pa noong 2010 ngunit ang mga opisyal sa management ay nakubra na ang kanilang mga benepisyo hanggang 2018.

Nabatid na wala umanong konkretrong resulta ang apat na beses na pakikipagpulong ng mga obrero kay Communications Secretary Martin Andanar at iba pang opisyal ng PCOO at IBC-13.

Una ay noong 21 Setyembre 2016, pangalawa ay noong 9 Oktubre 2017, pangatlo ay noong 27 Hunyo 2020, at ang huli ay 9 Hulyo 2020.

“Puro pangako, ang inaasam na privatization ng IBC-13 para sana mabayaran na lahat ang utang sa amin ng management ay nananatiling mailap na pangarap na lang,” himutok ng isang IBC-13 employee.

Sa dalawang taong pag-upo ni Katherine de Castro bilang president at CEO ng state-run TV network ay ilang ulit din umanong inihain sa kanya ang mga hinaing ng mga kawani gaya ng pagtupad sa collective bargaining agreement (CBA), unpaid benefits ng rank and file, hindi nasunod na retirees payments scheme, at ang representation and transportation allowance (RATA ng management at board of directors), at perks ng nasa confidential payroll.

Ayon sa 2018 Annual report ng Commission on Audit sa IBC-13,  tumanggap ng P2.070 milyon ang mga opisyal ng IBC-13 noong 2018 bilang Representation and Transportation Allowance (RATA) kahit walang staffing pattern ang state-run TV network batay sa Department of Budget and Management (DBM) National Budget Circular No. 546.

Anang COA, masyadong malaki ang tinanggap na RATA ng mga opisyal ng IBC-13 kompara sa authorized monthly rates na inilabas ng DBM, halimbawa ang President at Chief Executive Officer ay tumanggap ng P50,212.92 kada buwan; at Human Resources and Admin Manager P26,028 bawat buwan.

Ang tinanggap ng President at CEO na RATA ay di-hamak na labis sa maximum authorized monthly rate na P28,000.

Pinuna ng COA ang pagbibigay pa ng gasoline allowance sa mga ehekutibo ng IBC-13 na umabot sa P747,420 kahit tumanggap na sila ng buwanang RATA kaya’t kailangan nilang ibalik sa kaban ng state-run network ang gasoline allowance.

Sa inilabas na 2019 Report on Salaries and Allowances (ROSA) ng Commission on Audit (COA), tumanggap si Katherine de Castro  bilang President & CEO/BOD Member 2,761,478.76; Corazon Reboroso, Manager, 1,077,367.82; Jose Ramos, Manager, 969,247.22; Josefino Girang, Manager, 926,768.10; David Fugoso, Manager, 914,932.38; Gina Borinaga, manager, 838,341.98; Ronie Suarez, Manager, 707,565.34; Ma. Corazon Robles, Manager, 639,911.56; Maria Victoria Batacan, Director 763,408.10; Ma. Magdalena Gasmido, Director 693,972.68; Marivic Villanueva, Director, 643,969.65; at Gina Jalandoon, Director 391,053.93;

Ayon sa source, naging bantog umano si Reboroso sa IBC-13 dahil imbes ganap na ipatupad ang regional wage hike, binawasan umano ng sampung piso ang umento sa sahod kahit pa kakarampot na ang naiuuwing suweldo ng mga kawani sa kanilang pamilya. (MAY KASUNOD)

About Rose Novenario

Check Also

Bambang Kalimbas Sta Cruz Manila Fire

Sa Sta. Cruz, Maynila
Residential-commercial building nasunog

TINUPOK ng apoy ang isang residential-commercial building na matatagpuan sa kanto ng Bambang at Kalimbas …

Valenzuela fire

Packaging factory 15-0ras nilamon ng apoy sa Valenzuela

TINUPOK ng malaking sunog ang isang pabrikang matatagpuan sa T. Santiago St., Brgy. Veinte Reales, …

Arrest Shabu

Sa Montalban Rizal
15-anyos binatilyo, 2 iba timbog sa P1.3-M shabu

HINDI bababa sa P1.3-milyong halaga ng pinaniniwalaang shabu ang nakompiska mula sa isang 15-anyos binatilyo …

Bulacan Police PNP

3 Bulacan MWPs inihoyo

NASAKOTE ang tatlong indibiduwal na nakatalang pawang mga most wanted persons (MWPs), kabilang ang number …

MV Hong Hai 16 PCG

Sa tumaob na barko sa Mindoro Occidental
2 katawan natagpuan, 2 nawawala pa rin

NAREKOBER ng mga awtoridad ang dalawang karagdagang mga katawan nitong Linggo ng Pagkabuhay, 20 Abril, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *