Wednesday , December 25 2024

Pagkamkam sa 2 telcos maghahasik ng takot sa mga mamumuhunan (Babala ng advocacy group)

NAGBABALA ang isang lawyers’ advocacy group sa gobyerno kung tototohanin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang bantang pagkamkam sa dalawang higanteng kompanya ng telekomunikasyon sa bansa ay maghahasik ito ng matinding takot sa mga mamumuhunan, dayuhan man o lokal.

“Labag sa prinsipyo ng Konstitusyon na hadlangan ang pag-unlad at operasyon ng mahalagang industriya sa manipis na dahilan kahit maaaring maisaayos sa pamamagitan ng regular na pamamaraan,” pahayag ng mga abogadong bumubuo sa Tagapagtanggol ng Watawat.

“At balakid din ang pahayag ng Pangulo na expropriation ng Smart at Globe telecoms sa hangarin ng mismong gobyerno na mahikayat ang mga mamumuhunan na magnegosyo sa bansa,” sabi ng grupo sa apat-pahinang pahayag sa publiko.

Ayon sa lider ng mga abogado na si Arnel Victor C. Valeña, nakaaalarma ang pahayag ng Pangulo na expropriation o pagkamkam sa dalawang telcos sapagkat wala matibay na dahilan at legal na basehan para sa gaanoong aksiyon ng estado.

“Ang pagkamkam ng gobyerno sa utility companies na pag-aari ng pribado pero ang operasyon nito ay saklaw ang interes ng publiko ay pinapayagan lamang ng Konstitusyon sa panahon ng national emergency,” mariing pahayag ni Valeña.

Ipinaliwanag niya, sa kaso ng Smart at Globe ay wala umanong ‘national emergency’ o kat anong rason na pwedeng mag-justify para sa marahas na hakbang katulad ng expropriation.

“In fact, in his State of the Nation Address, the President cited his mere dissatisfaction with the less-than-ideal service that the public is getting from Smart and Globe, including drop calls,” paliwanag ni Valeña.

Idinagdag niya, ang mga ganitong pagkukulang at kahinaan ng serbisyo ng dalawang telco ay tiyak namang mailalagay sa ayos sa umano’y paraang lehislasyon, o administratibo.

“The state ought to flex it regulatory muscle and exercise all reasonable means to compel the telcos to improve their services. It should not expect recurring issues to be resolved in a snap without proper intervention and regulation. We have not seen any sufficient efforts by the government in that regard,” sabi ni Valeña.

Kanya rin ibinabala na kung totohanin ang nasabing bantang pagkamkam sa dalawang telcos ay garapal itong pagpabor sa Dito Telecommunity, ang third telco na ang majority owner ay alam ng publiko na  isang malapit na kaibigan ng Pangulo.

Sa pangwakas na pahayag ay nanawagan sa Pangulong Duterte ang Tagapagtanggol ng Watawat na manindigan sa Saligang Batas at sa rule of law sa pagsusulong ng progreso at proteksiyon ng publiko at ‘wag talikuran ang diwa ng Konstitusyon para paboran ang partikular na grupong interesado sa nasabing negosyo.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *