Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maritime police timbog sa parricide

INIHARAP ng Provincial Intelligence Branch na pinamumunuan ni P/Lt. Col. Vicente Cabatingan kay Cavite Police Provincial Office Director (PD) P/Col. Marlon Santos ang nadakip na pulis na si Patrolman Ricky Rico ng Maritime Group makaraang silbihan ng warrant of arrest sa kasong parricide.

Ayon sa imbestigador na si P/SSgt. Armin Matro ng General Trias CPS, naglabas ng warrant ang korte makaraang makakita ng sapat na katibayan na si Rico ang suspek sa pagbaril sa asawang pulis na si P/SMSgt.

Analyn Cruto na may tama ng bala sa ulo na kanyang ikinamatay noong Hunyo 2019 sa kanilang tahanan sa GenTri, Cavite.

Naaresto ang suspek sa pinaigting na manhunt at pagsisilbi ng warrant sa mga wanted person base sa direktiba ni PRO4A RD P/BGen. Vicente Danao, Jr., sa pakikipag-ugnayan sa PNP Maritime Group sa Navotas City kamakailan. (BRIAN BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …