Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dovie San Andres may malasakit kay John Regala, agad nagpost sa FB ng tulong para sa may karamdaman aktor

Martes pa lang ng umaga ay naka-post na sa Facebook Page ni Dovie San Andres ang larawan ng character actor na si John Regala na mag-isang nakaupo sa tindahan sa Pasay at nanghihingi ng tulong sa mga dumaraan sa lugar.

Hinihintay rin ni John ang nurse na magbibigay sa kanya ng gamot.

Masyado nang malala ang iniindang sakit sa atay o cirrhosis of the liver ni John na ayon mismo sa aktor ay 14 days na siyang hindi kumakain dahil lahat raw ng kanyang kinakain ay kanya ring isinusuka.

Panawagan ni Dovie ay tulungan ng idol niyang si Raffy Tulfo at ng iba pang nakaluluwag sa buhay si John. Kinabukasan dahil sa napanood din ni Raffy ang video ng kalunos-lunos na kalagayan ni John ay agad siyang tinulungan ng sikat na radio and TV host.

“Napakasaya ko natulongan na si idol John Regala ni idol Raffy Tulfo. Marami talagang nagmamahal kay idol John at sana marami pa ang tumulong sa kanya, lalo na sa mga kapwa niya artista at mga kasamahan niya sa pelikula. Sana tuloy- tuloy na ang paggaling niya. Amen,” mensahe ni Dovie na marami ang nag-like

at nag-comment at nag-share and post.

Close rin si Dovie sa actor na si Rez Cortez at malaki ang respeto niya rito.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …