Sunday , November 24 2024

“Bayanihan to Recover as One Act” huwag naman sanang maging ‘steal as one’

INAPROBAHAN na ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang Senate Bill 1564 o ang Bayanihan to Recover as One Act.

Tinatawag din itong “Bayanihan 2,” bilang supplement sa naunang Bayanihan to Heal as One Act, na ipinatupad noong 25 Marso 2020.

        Ibig sabihin din po ng Bayanihan 2 ay pinalalawig ang bisa ng special powers na iginawad kay Presidente Rodrigo Duterte bilang tugon sa pandemyang COVID-19.

Itong Bayanihan 2 daw po ay aabutin hanggang 30 Setyembre 2020 at mayroong P140 bilyon bilang standby fund para umano sa pandemic response at sa economic recovery efforts.

Ganito raw po ang breakdown allocations:

P10 billion – procurement of RT-PCR testing and extraction kits, supplies, and enhancement of the Department of Health’s (DOH) capacities;

P15 billion – cash-for-work program for the poor, and the Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvanatged/Displaced Workers (TUPAD) program of the Department of Labor and Employment (DOLE);

P17 billion – DOLE’s programs on unemployment, including involuntary separation assistance for freelancers, self-employed workers, and displaced overseas Filipino workers (OFW);

P50 billion – government financial institutions: Landbank (P30 billion), Development Bank of the Philippines (P15 billion), and the Philippine Guarantee Corporation (P5 billion), for low-interest loans to micro, small, and medium enterprises;

P17 billion – the Plant, Plant, Plant agricultural program, including cash subsidies and interest-free loans for farmers;

P17 billion – Department of Transportation programs for the provision of interest rate subsidies and temporary livelihood to displaced transport workers;

P10 billion – Department of Tourism programs to assist tourism-related businesses hit hard by the pandemic.

Bukod daw po riyan, ang Bayanihan 2 ay maglalaan ng P3 bilyon bilang tulong sa state universities and colleges, na may diin umano sa development ng “smart campuses” upang magpatupad ng flexible learning methods.

Ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) umano ay tatanggap ng P1 bilyon para sa “training for work” scholarship program, at “special training for employment” program para sa mga displaced workers and OFWs.

Sa totoo lang po, habang binabasa natin ito, tumataas ang moral namin. Kasi parang ‘perfect’ ang pag-atado sa P140 bilyones na ‘yan sa ilalim ng Bayanihan 2.

Pero, wait…

Hindi ba’t pareho lang ‘yan sa naunang Bayanihan Act?

‘Yung naunang Bayanihan Act na marami ang nagrereklamo hanggang ngayon dahil hindi sila nakatanggap ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).

Tapos sa ilalim Bayanihan 2, may ayudang SAP na naman pero marami na naman ang hindi makikinabang gaya ng mga senior citizen o persons with disability (PWD) na soltera o soltero. Mga pamilyang may trabaho pero dahil may pandemya nga e nawalan ng trabaho. Mga solo parent na may trabaho. Mga jeepney driver na hilong talilong kung saan kukuha ng ayuda kasi wala sila sa programa ng Bayanihan at iba pang sektor na sa totoo lang walang-wala talagang napakinabangan maliban sa ayuda ng local governments.

Kung walang ayuda ang lokal na pamahalaan, malamang maraming nanigas sa gutom nang isailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang buong Luzon at iba pang probinsiya sa bansa.

Gusto sana nating makita ‘yung resolusyon ng IATF kung paanong hindi maagrabyadong muli ang marami nating mahihirap na kababayan na nagagamit ang pangalan, sektor at organisasyon para makapangulimbat ang iilan.

Lahat ng Filipino, walang gustong gawin kundi suportahan ang desisyon ng mga lider ng bansa kung ito ay tama at nararamdaman ng mamamayan ang kanilang pagkalinga.

Pero kung sa karanasan nila, sila’y nagagamit lamang, wala nang maaasahang suporta ang lideratong ‘burara’ sa pangangalaga sa kanyang mamamayan.

Ibig sabihin, sana lang po, itong Bayanihan 2 ay huwag matulad sa naunang Bayanihan Act na parang nating “Steal As One.”

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *