NANINIWALA si Alden Richards na may responsibildad ang mga celebrity bilang public figures ngayong pandemya na epekto ng Covid-19.
“Siyempre celebrities tayo marami tayong following, marami tayong supporters. So if I share good campaign with good intentions, naka-follow sila.
“Kumbaga, network ‘yan. It comes from you, it goes down sa ‘yong followers. ‘Yung influence talaga napaka-importante especially ngayong madali ang access sa social media. Nagkakaroon ng access sa internet.
“Us as celebrities, public figure, we are responsible for the distribution of true information to the public.
“Every public personality is essential for the distribution of truthful information to the public and the public deserves true information.
“So we don’t deserve fake news!” bahagi ng pahayag ni Alden sa interview ng GMA Network.com.
Sa totoo lang, mula nang nagbalik-trabaho sa Eat Bulaga, hindi agad umuuwi si Alden dahil nagse-self quarantine siya.
Kamakailan, inilabas din ng Asia’s Multimedia Star na negative siya sa Covid-19 nang magpa-test siya.
Samantala, habang wala pang taping ng bagong series, ipalalabas muli ang isa sa una niyang Kapuso series na One True Love simula sa August 10 na ang dating ka-loveteam na si Louise de los Reyes ang kapareha niya.
I-FLEX
ni Jun Nardo