Friday , December 27 2024

‘Swab test’ sa LSIs bakit pinababayaran?

MAY isang malaking ‘butas’ ang pagpapatupad ng ‘public health emergency’ sa Filipinas kaugnay ng kinakaharap na pandemya ng buong mundo.

Noong una, ‘inakala’ nating ang pagdedeklara ng public health emergency ng adminsitrasyong Duterte ay upang maihanda ang buong bansa laban sa pandemyang COVID-19.

At palagay ko’y hindi ako nag-iisa sa pag-aakalang ito.

Hindi kasi madaling gawin ang pagpapatupad ng public health emergency lalo’t maraming tao, pondo, at mga proseso ang kakailanganin para gawin ito.

Pero paglipas ng apat na buwan at ngayon ay umuusad na tayo sa pang-apat na buwan, napagtatanto ng inyong lingkod na isang maling akala pala ang aking inaakala.

Kasi kitang-kita na natin ang ‘butas’ ng pagdedeklara ng ‘public health emergency.’ Kitang-kita natin na mukhang walang direksiyon ang sinasabi nilang ‘to flatten the curve’ at higit sa lahat hindi natin alam kung bakit kailangan gumastos ng P275 bilyones at karagdagang 5.8 bilyong dolyares na inutang sa ngalan umano ng mga gagawing hakbang para labanan ang pandemyang COVID-19.

Pero ang malaking kuwestiyon, kung ang public health emergency ay para sa paglutas ng pandemya bakit ang batayang hakbang para makontrol ito ay hindi naging ‘major thrust’ ng pamalaan?!

Ano po itong major thrust na dapat ipatupad ng gobyerno para makontrol ang pandemya.

Simpleng-simple lang po, walang iba kundi ang ‘rapid test’ at ‘swab testing’ na walang babayaran ang mamamayan.

Noong una pa man ay sinasabi na, kung magkakaroon ng mass testing para maihiwalay ang vulnerable sector, walang pangangailangan na mag-lockdown.

O kung kailangan man mag-lockdown, ito ay selective at hindi magtatagal gaya nang nangyari nitong huling tatlong buwan.

Ini-lockdown ang buong Luzon at ang iba pang lugar sa bansa pero ni bahagya ay hindi napatag ang kurbada ng pandemya, sa halip mas marami ang nagutom at nagkasakit.

Pero ang higit na nakapagtataka at napakahirap isipin, bakit hindi kayang ilibre ng gobyernong ito ang bayad sa ‘rapid test’ at ‘swab test?’

Alam po ba ninyo na ang mga test na ito ay nagkakahalaga ng P7,000 o P8,100 depende kung saan magpapa-test?

Sa panahon ngayon, sino pa ang may kayang gumastos ng ganyang halaga kung walang trabaho ang mayorya ng mga mamamayan?

Hindi ba’t iyon ang unang hakbang para makapa ang kabuuang sitwasyon kung kaya pa bang kontrolin o patagin ang kurbada ng pandemya?!

At hanggang ngayon na umaabot na sa 87,000 plus ang infected ng COVID-19, nagtataka tayo kung bakit ang mga locally stranded individuals (LSIs) ay kailangan pa rin magbayad para sa kanilang rapid test at pagdating sa pupuntahan nilang probinsiya ay isasailalim naman sa swab test.

Muli tatanungin natin, bakit hindi kayang ilibre ng gobyerno ang rapid test at swab test kung multi-bilyong piso at dolyares ang iniuulat nilang inilabas at inutang sa foreign agency para umano sa laban kontra pandemyang COVID-19?!

Kamakailan, umalma na ang maraming doktor at nurses dahil tila wala nang katapusan ang kanilang pagsasakripisyo dahil sa maling ‘diskarte’ ng gobyerno para labanan o kontrolin ang pandemya.

Lumalabas tuloy na lahat ng sinasabi ng mga kinatawan ng pamahalaan na nakatutok sa pandemyang ito ay pawang ‘lip service’ lamang. Kasi nga, wala namang nababago sa sitwasyon at sa halip ay lalo pang tumataas ang bilang ng mga infected.

Wala bang plano ang IATF na maglunsad ng assessment para baguhin ang kanilang estratehiya? Kailan ba aaminin ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na hindi ‘patok’ o ‘epektibo’ ang mga ginagawa nila para labanan ang pandemyang ito.

Hindi pa rin ba nila aaminin na hindi sila ang mga tamang tao para sa malaking repsonsibilidad na ‘yan?

Bakit kaya hindi na lang sila bumalik sa Marawi at isaayos ang  mga nawasak roon nang sa gayon ay magkaroon na ng ‘normal’ na buhay ang mga ‘bakwit ng gera ng sa Marawi?’

Pakiusap lang po: isuko na ninyo sa mga tunay na eksperto sa medisina at siyensiya ang paglaban sa pandemyang COVID-19.

‘Yun lang po!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *