NATUWA naman akong mapanood ang kaibigan kong si Marissa Sanchez sa gabi-gabing eksena niya sa FPJs Ang Probinsyano sa Kapamilya Channel.
Ayon kay Marissa, personal siyang ipinatawag ni Coco Martin, pati na ng partner niya sa mga eksenang si Eric Nicolas para sa nasabing palabas.
Matagal ng single mom si Marissa. Kaya malaki ang pasasalamat niya kay Coco, na isa siya sa naisip para sa mahalagang papel na ginagampanan nila gabi-gabi.
Sandali muna silang nagpapahinga mula sa kanilang lockdown taping. Na hindi man niya sabihin dahil bawal, eh tila minsan ko nang natapakan sa isang taping din for a set visit years ago amg napaka-gandang location nila. Sa lupain ‘yon ng mga Leviste sa Batangas at ikinabit ko na lang ang pakiwari ko dahil nasa mga eksena ni Richard Gutierrez si Mark Leviste.
“Under sa Viva ako now, Ate… pero personal na ipinatawag kmi ni Coco, kming dalawa ni kuya Eric Nicolas. 5 yrs kong pinag pray na masali sa PROBINSYANO. When i stopped praying abt it dahil nagsara ang Abs chaka sya na grant nung itinigil ko ng ipagdasal.”
Aminado si Marissa na gaya ng lahat eh, apektado siya ng pandemya at krisis na dulot nito.
“Status Hiwalay! Traumatic! Bsta ngayon, ginagawa ko ang lht para mataguyod ang anak ko…nagtitinda din ako ng mga ulam ulam… tas yun nga, nghihintay ng kung anong darating… kung anong mabebenta ko… balak ko na nga magbenta ng laman e, kya lng me social distancing! Lol! Joke!”
Natuwa si Marissa nang padalhan siya ng sorpresang RBiel’s Bistro ni Dom Villaruel.
Sa panahon ng pandemya, kahit pa sa Amerika nananahan si Dom at pamilya niya, hindi nito pinababayaan ang takbo ng kanilang noong isang taon lang pinaalagwang negosyo.
Dahil sa pagmamahal at pagmamalasakit sa kanyang mga tauhan, tuloy pa rin ang serbisyo ng RBiel’s Bistro para sa take out at dine-in para matikman ng balana ang ipinagmamalaki nilang mga putahe sa menu na ipinalasap din nila sa ilang mga kaibigan. At isa na nga riyan si Marissa.
“Nagtitinda rin ako ng mga luto ko, Ate. Pero may ibang twist ang baked laing ng RBiel’s. Natutuwa ako na sa ganitong pagkakataon, nagsusuportahan ang lahat. Lalo na sa mga gaya kong eto rin ang sideline. Nairekomenda ko na ang RBiel’s sa mga kaibigan ko. Nagsi-order na rin gaya ko.”
At kung sakali ngang makalampas na tayo sa pandemyang ito, at makauwi rito si Dom at pamilya niya, isa si Marissa sa magiging special guest at itatampok sa RBiel’s Bistro dahil na rin sa paghanga ni Dom sa komedyana.
Kabilang sa mga nakatikim ng kakaibang luto ng baked laing at beef salpicao ng RBiel’s Bistro ay ang aking editor, siyempre; si Direk Zig Dulay; at ang mag-asawang Patricia Javier at Doc Rob Walcher. Pati na si Deborah Sun at kanyang mga anak!
Puwedeng bisitahin ang RBiel’s Bistro sa 18B Congressional Avenue, Quezon City. Para sa pick-up at delivery orders, puwedeng tawagan ang 72557370/09664637991/09087528559 o bisitahin ang kanilang website sa www.rbielsbistro.com para mapag-alaman ang mae-enjoy sa kanilang festival of flavors!
Para kay Sir Dom naman, ikinatutuwa niya na sa kabila ng lahat, nae-enjoy ng kanyang mga tauhan ang patuloy na pagsisilbi ng mga pagkaing nasimulan ng kagiliwan sa kanila.
HARD TALK!
ni Pilar Mateo