Sunday , January 12 2025

Miggs Cuaderno, itinuturing na answered prayer ang pelikulang Magikland

MASAYANG-MASAYA ang young actor na si Miggs Cuaderno dahil nakapasok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ang pelikulang pinagbibidahan niya titled Magikland. Ito’y mula sa Brightlight Leisure Productions, Inc/Gallaga Reyes Films at kabilang sa unang apat na pumasok sa festival base sa pag-submit ng script.

“Sobrang saya ko po na nakapasok ang movie namin sa MMFF, pero may halong lungkot din, kasi po may Covid19. Baka po kasi hindi na magiging kagaya rati na sobrang saya kapag MMFF, may mga float, may parade at ang daming tao na nanonood ng mga entry dito,” pahayag ni Miggs.

Itinuturing ni Miggs na answered prayer ang project na ito.

Sambit niya, “Ang movie pong ito ay itinuturing kong magandang blessing po siya sa akin, answered prayers po talaga ito kasi nakuha ko po ang lead role.

“Nag-pray nga rin po ako na sana i-help ako ni Direk Maryo (J. delos Reyes) na mag-pray kay God na makuha ko ang role na ito,” aniya pa ukol sa namayapang manager niya.

Dagdag pa ng award-winning child actor, “Bale, first lead role ko po ito for mainstream, kasi po sa indie films nakagawa na po ako ng sixteen films.”

Bukod kay Miggs, ang iba pang cast ng Magikland ay sina Jun Urbano, Bibeth Orteza, Hailey Mendez, Kenken Nuyad, at marami pang iba.

Paano niya ide-describe ang movie nilang Magikland?

Tugon ng Kapuso young actor, “Ito po ay fantasy, action, pang-family po talaga kasi may-aral po na matutunan at talagang ginastusan po ang mga CG (computer graphics). First time in the Philippines po na gumamit sa movie ng camera na ginagamit po sa Hollywood.

“Kaya ang ganda po ng mga shots at mahusay po si Direk Christian Acuña na TVC director. First time niya po na magdirek ng movie. Bale, nag-aral po siya sa film school ni direk Peque (Gallaga). Ang galing po ng actions dito, nag-aral po kami ng stunts at fight scenes. Mahirap pong gawin, pero masaya.”

Pahabol pa ni Miggs, “Sa Magikland ako po si Boy Bakunawa, apat po kaming bata rito at ako po ang leader nila. Bale, apat po kaming bata na nagkatagpo dahil sa isang video game. Kasama ko po rito sina Elijah Alejo, Princess Rabarra, at Joshua Eugenio.”

Ano’ng klaseng katrabaho sina Elijah, Princess, at Joshua?

Tugon ni Miggs, “Okay naman po, masaya silang kasama sa work. Para po kaming isang family, kasi nag-location shoot kami. Almost one week kaming magkakasama po, nag-bonding po talaga kami habang ginagawa ang movie.”

Sina Miggs at Elijah ay magkasama sa top rating TV series ng GMA-7 titled Prima Donnas. Ang serye ay tinatampukan nina Aiko Melendez, Wendell Ramos, Katrina Halili, Chanda Romero, Benjie Paras, Jillian Ward, Althea Ablan, Sofia Pablo, at iba pa.

Sila ba ni Elijah ang magka-love team sa movie?

“Hindi po, wala pong love team dito…. partners po kaming apat, bale isang team po kaming apat dito,” natatawang wika pa ni Miggs na ngayon ay nagbibinata na.

Sino ang kontrabida sa kanilang movie? “Sina Wilma Doesnt at Jamir Zabarte po ang mga kontrabida. Marami pong big stars dito na guests,” sambit pa niya.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Keempee de Leon Joey de Leon

Keempee at Joey nagkaiyakan, nagkapatawaran 

RATED Rni Rommel Gonzales MATAGAL nang hindi nag-uusap sina Keempee de Leon at ama Joey …

Kathryn Bernardo Mommy Min

Kathryn madamdamin mensahe sa ina

MATABILni John Fontanilla EMOSYONAL ang mensahe ni Kathryn Bernardo sa pagseselebra ng kaarawan ng kanyang …

Maris Racal Anthony Jennings

Maris, Anthony nagpakita na sa publiko

LUMANTAD na noong Martes, Enero 7 sina Maris Racal at Anthony Jennings sa isang fan …

Rufa Mae Quinto NBI

Rufa Mae sumuko sa NBI

DUMIRETSO agad sa National Bureau of Investigation (NBI) si Rufa Mae Quinto pagkarating ng Pilipinas …

Vic Sotto Darryl Yap

Vic Sotto idedemanda si Darryl Yap

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAKASUHAN daw ni Vic Sotto ang kontrobersiyal na direktor, si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *