Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Janella Salvador tumanggi sa alok na talk show ng TV5 (Kung ang ibang artista nakikiusap ng raket)

Bago pa ang lockdown sa buong Metro Manila ay wala nang regular project si Janella Salvador. Ang huling ginawa ng young singer-actress sa ABS-CBN ay Killer Bride na pinagbidahan nilang dalawa ni Maja Salvador kasama ang na-link kay Janella for a while na si Joshua Garcia.

Kung may project man si Janella sa Kapamilya ay guesting lang na naapektohan pa nang ipinatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Luzon.

Ang nakalolokah, may alok na talk show kay Janella ang TV 5 pero tinanggihan raw ng actress na hanggang ngayon ay wala namang ibinibigay na rason kung bakit ini-turndown ang offer sa kanya ng Singko.

Nagreklamo sa programa ni Raffy Tulfo ang dating babaeng handler ni Janella na umano ay hindi siya binayaran ng actress sa huling suweldo niya na nagkakahalaga ng P3,600.

Pero siguro mababaw na rason ito o dahilan kung bakit umayaw si Janella na makatrabaho ang mga taga-TV5. O baka naman binarat ang TF niya, ‘di kaya? At least can afford ang dalaga na tumanggi unlike her other co-stars na nawalan ng trabaho sa ABS-CBN at nakikiusap na sana ay mabigyan sila ng proyekto or else nganga sila at ang kanilang pamilya.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …