Tuesday , December 24 2024
EDITORIAL logo

EDITORYAL: Tagong oligarko namamayagpag

KUNG inaakala ng marami na ang oligarkiya sa bansa ay binubuo lang ng malalaki at mga sikat na negosyante na namamayagpag sa kasalukuyan, isang pagkakamali ‘yan.

Maraming oligarko ang hindi napapansin dahil sila ay nakatago sa inaakalang maliit na negosyo pero sa totoo lang malaki na ang naisubi at nakapagbukas pa ng offshore accounts.

Isang abogado mula sa Iloilo City ang nakasilip nito at nakatakdang magsampa ng reklamo sa Anti-Money Laudering Council (AMLC) laban sa mga may-ari ng Panay Electric Company (PECO) matapos lumitaw na mayroong tatlong offshore companies sa Bahamas.

Nanindigan at naniniwala si Atty. Zafiro Lauron na ang kanyang reklamo ay magbubukas ng imbestigasyon para malaman kung saan dinala ng PECO ang umabot sa bilyong sinisingil sa power consumers gayong hindi naman napagbuti ang serbisyo at pasilidad sa loob ng maraming dekada.

“I will pursue this case on behalf of Ilonggos who suffered from paying electricity bills almost double of those being paid by people in Metro Manila,” pahayag ni Atty. Lauron.

Sinabi ni Lauron, may ilang dekadang nagtiis ang mga residente sa Iloilo sa palpak na serbisyo at sira-sirang pasilidad ng PECO sa kabila ng pagbabayad nila ng sobra-sobrang singil sa koryente kaya nararapat lamang na imbestigahan ang offshore accounts nito.

Tinukoy ni Lauron ang isang report ng International Consortium of Investigative Journalists (ICIJ) isang  US based non-profit organization na may global network ng mga reporters at media organizations na

nag-iimbestiga sa mahahalagang isyu sa buong mundo, kasama ang PECO na pagmamayari ni Luis Miguel Cacho na sinabing nagmamay-ari ng investment companies sa British Virgin Islands.

Sa pamamagitan ng Portcullis TrustNet Fund Services Ltd., isang Singapore-based company ay nagawa umano ng PECO na makapag-set-up ng tatlong kompanya sa British Virgin Islands.

Ang unang kompanya ay Costa Group Investments, Ltd., na nakapangalan sa yumaong si Luis Miguel Cacho, ang patriarch ng Cacho Clan ng PECO, nairehistro ito noong 11 Abril 2000 at may company address na Portcullis Trustnet Chambers, PO Box 3444 Road Town Tortola, Bristish Virgin Islands.

Kabilang sa Board of Directors ng kompanya sina Luis Miguel Ayesa Cacho na umaakto rin bilang corporate secretary, Jose Maria E. Cacho, at isang William Michael Valtos Jr. Portcullis Trustnet (BVI or British Virgin Islands) Lt., na nagsisilbing keeper of records.

Si Luis Miguel ang tumatayong Pangulo at Chief Operating Officer (COO) ng PECO habang ang anak na si Marcelo Cacho ang head ng Public Engagement and Government Affairs.

Sa tulong ng Portcullis Trustnet Fund Services, Ltd., at Financial Services Company na Valtos na nag-o-operate sa Filipinas, US, at Asia ay nakapag-set up pa ng dalawang investment company ang PECO, ang Prime Rose Technology na nairehistro sa British Virgin Island noong 22 Oktubre 2000 na ang tumatayong shareholders ay si Jose Maria Cacho at ikalawa, ang

Mega International Services na nai-set-up noong 12 Setyembre 2000, nakalista bilang shareholders sina Jose Maria E. Cacho at JMEC Development Corp., habang ang PortCullis Trustnet ang nagsisilbing keeper of records at registry.

Ang JMEC Development Corp ay isang kompanya na nakarehistro sa Filipinas bilang business management consultancy at real estate sale and development sa Iloilo City.

Ayon sa ICIJ, ang British Virgin Island ay isa sa pinagtataguan ng yaman ng mga mayayaman o oligarko dahil sa secrecy ng mga kompanyang nangangasiwa ng investments.

“A well-paid industry of accountants, middlemen and other operatives has helped offshore patrons shroud their identities and business interests, providing shelter in many cases to money laundering or other misconduct. Ponzi schemers and other large-scale fraudsters routinely use offshore havens to pull off their shell games and move their ill-gotten gains,” ayon sa ICIJ report.

Inilinaw ng ICIJ na maituturing na legal ang investment sa British Virgin Islands ngunit sa nakalipas na ilang taon ay natukoy na nagagamit ang offshore economy para sa money laundering, tax evasion at fraud.

Kailan kaya mabubusisi ang mga ‘nakatagong oligarko’ sa bansa?

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *