Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagtatanghal ng Miss Universe 2020, naiiba (8 online series via Ring Light)

ISANG naiiba at makabagong Miss Universe Philippines ang mapapanood ng publiko, lalo na ng mga beauty pageant aficionados ngayong taong 2020!

 

Ito ay sa pamamagitan ng isang napapanahong online series, ang Ring Light.

 

Binubuo ng walong episodes, susundan ng serye ang 50 aspiring Miss Universe Philippines candidates at dadalhin ang mga manonood sa kanilang nakai-inspire na paglalakbay patungo sa korona at trono!

 

Nais ng Miss Universe Philippines na baguhin ang nakasanayan nating beauty pageant norms at bumuo ng isang bagong Miss Universe na magsusulong ng “empowered beauty with a purpose” sa pamamagitan ng higit pa sa preliminaries at sa coronation night, ang Ring Light ay ang pinakauna sa mundo dahil bibigyan nito ng pagkakataon ang mga pageant fan ng mas malapitang pagtingin sa kung ano ang tunay na aspeto upang maging isang beauty queen.

 

Mula sa mahigpit na pagsasanay hanggang sa mga kamangha-manghang pagsubok at katuwaan, mga eksena sa likod ng kamera, patutunayan ng Ring Light na mayroong pang higit na kagandahan na hindi basta-basta nakikita ng mga mata.

 

Dadalhin ng bawat episode ang manonood sa mga kaalaman, pagsubok, preliminaries, at siyempre, sa coronation night.

 

Ang mga Ring Light episodes ay ang mga sumusunod: episode 1: Lights On, episode 2: What Makes You Blush, episode 3: My Space, My Face, episode 4: Work the Runway, episode 5: Looking In, episode 6: Game Changer, episode 7: Stand Out and Awe at ang episode 8: Shine na kokoranahan na ang bagong Miss Universe Philippines 2020.

 

Bahagi ng bawat subscription sa Ring Light series ay mapupunta sa napiling beneficiary ng bawat kandidata at sa partner organizations. Bawat Miss Universe Philippines candidate ay may kaukulang referral code na diretsong makatutulong sa kanyang personal na piniling beneficiary. Maaaring puntahan ng mga fan ang Instagram page ng kanilang paboritong kandidata para malaman ang referral code nito at gamitin upang makabili ng kanilang subscription.

 

“We’re very excited to launch ‘Ring Light,’ the first-ever fundraising online pageant series that will allow fans to take the same journey to the crown while making a positive impact.

 

“With this online series, we hope to inspire our viewers to find their own light and empowerment and show that beauty is not only skin deep,” ang pahayag ni Miss Universe Philippines National Director at Miss Universe 2011 Third Runner-Up, Shamcey Supsup-Lee.  

 

Upang mapanood ang Ring Light, lahat ng walong episodes, (five learning episodes, a challenge episode, the preliminaries; swimsuit and gown competition, at ang grand finale), ay maaaring i-stream sa www.empire.ph for a one-time fee na Php 299.

 

Para sa mga excited pageant fans, maaari ring i-avail ang Ring Light’s early bird promo sa halagang P249 kapag nag-subscribe mula July 22 hanggang August 31, 2020.

 

Mapapanood ito simula September 27, 2020 sa www.empire.ph..

Ang Empire.ph ay pinamamahalaan ni Jonas Gaffud, ang tinaguriang beauty queen maker.

 

Para sa mga karagdagang impormasyon, mag-log on sa Miss Universe Philippines sa Facebook o bisitahin ang Empire.ph website at Instagram.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …