STATESIDE.
Dahil nag-post siya ng larawan kasama ang nagbi-bertdey na anak, kinumusta ko ang natataka bilang ina ng kambal na si Lumen sa isang detergent soap ilang taon na ang nakararaan.
Nakilala siya sa ilang pelikula niya bilang si Sandra Gomez na naging Jan o January Isaac, sa kalaunan.
Happily married na ang maituturing din na action star na si January kay Wade Bodlovic na isang Amerikano.
“I got married in Seattle in June10, 2010. Pero ikinasal din kami riyan sa CDO 2010 Oct.9. I was born there pero sa Manila ako lumaki.
“I met Wade sa isang online dating site.
“During my visit sa California we met after match.”
Kahit pa abala sa papel niya bilang asawa kay Wade na isang business analyst si Jan at ina sa mga anak nilang sina Hunter (boy, 9) at Harley (girl, 7), nagtatrabaho pa rin siya bilang Security Police Office sa isang National Laboratory na ang trabaho niya entails protecting nuclear materials.
Nag-apply si Jan para sa nasabing trabaho.
Rito pala nakatulong ang kaalaman niya sa una ay sports lamang na ini-enjoy niya gaya ng TaeKwonDo, Aikido, na may mga belt na siya, at ang talagang nag-training siya ng Krav Maga.
“I am trained to fight. Hindi na pelikula ito. Krav Maga is more deadly. Kasi, full contact siya. Pati sa mukha. Lahat ng vitals sapul. May kaunting ground fighting din. Thank God, hindi ko pa naman kinakailangang gamitin. But Krav Maga has nothing to do with my work as Security. I do martial arts as a sport. Kaya noong nag-apply ako and I passed, nagkataon na mayroon akong know-how with the sports na ginagawa ko na dati pa.
“I train almost every other day, gym, taekwondo and krav. I did an Indie Film with Mike Magat before I left in 2014.
“My last project there was my last Surf fiesta tv commercial i think in 2013. Tapings with GMA7 in 2014 then Dec that same year we moved na to the States. Kaya, ako si Lumen from 1998-2014.”
Gaya ng lahat sa atin, worried si Jan sa pandemya na mataas na rin pala ang bilang sa Idaho where they live.
“But, thankful na healthy kami ng family. Enjoying our simple life.”
After our chat, sabi ni Jan, maglalaba pa siya. Kaso, wala palang Surf doon kaya Eco ang gamit niyang panlaba.
Wala siyang kambal. Pero may boy siya na nagpapakita na ng senyales na gustong maging action star pero tuturuan pa niyang mag-Tagalog.
Ma-aksiyon pa rin ang buhay ng itinuring ng Queen of Action Films sa panahon niya pero na-nomina bilang isang mahusay na educational program host for TV.
Ano uli? Krav Maga?
Sabi sa Wikipedia ito ay: “a form of self-defense and physical training, first developed by the Israeli army in the 1940s, based on the use of reflexive responses to threatening situations.”
Matindi!
HARD TALK!
ni Pilar Mateo