Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jinggoy, dinepensahan si Vice—Kung gusto ng tao ang pelikula ni Vice, wala tayong magagawa 

DUMEPENSA ang dating senador Jinggoy Estrada kay Vice Ganda nang hingan siya ng komento sa nakaraang zoom interview niya sa tila pagkadesmaya ng isang premyadong writer-director na official entry sa 2020 Metro Manil Film Festival ang Praybeyt Benjamin 3 ni Vice.

 

“That’s uncalled for,” saad ni Jinggoy.

 

Dagdag niya, “Ang festival ay para sa mga bata. Eh may record naman si Vice sa festival na malakas ang entry niya.

 

“Eh may choice naman ang tao kung anong movie ang panonoorin kaya kung gusto nila ‘yung movie ni Vice eh wala naman tayong magagawa.”

 

Bago ang lockdown, kabilang ang movie ng dating senador na Coming Home para sa First Summer Movie Festival. Hindi ito natuloy pero may chance itong mapanood sa December moviefest.

 

Wala pang plano si Jinngoy pagdating sa politika. Pero may kumakalat na tsismis sa ilang residente sa Manila na kakalabanin niya bilang mayor ang incumbent na si Yorme Isko Moreno.

 

“Hindi ako botante sa Manila. Wala akong balak,” deklara niya.

 

Eh sa San Juan na rati niyang pinamunuan?

 

“Naku, parang president ng Pilipinas ang mayor doon na kapag lumalabas eh ang daming police escorts!” sagot ni Sen. Jinggoy.

 

Basta pagdating sa movies, eh, gagawa ang dating senador basta may magandang kuwento siyang magugustuhan!

I-FLEX
ni Jun Nardo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …