Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ate Vi, wala pa ring ambisyong maging VP (kahit marami ang kumukumbinse)

MARAMI man ang kumukumbinsing tumakbong Vice President kay 6th District, Batangas Rep. Vilma Santos-Recto, iisa pa rin ang sagot niya hanggang ngayon. “No political ambition!”

 

Ganito rin ang sagot ni Ate Vi noong 2019 at iginiit na, Never akong nag-ambisyon ng kahit anong posisyon. Batangas lang, mahirap na, buong Pilipinas pa?” 

 

Muli kasing naungkat o kinumbinse si Ate Vi na tumakbo sa mas mataas na posisyon matapos itong manindigan kasama ang 10 pang mambabatas sa pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN.

 

Sa Facebook live nina Ogie Diaz at MJ Felipe noong Sabado, nataong isa si Ate Vi sa mga nanood sa dalawa kaya natanong ang kongresista kung hindi ba siya hinigpitang makuha ang pondo para sa constituents niya matapos ngang pumabor sa ABS-CBN franchise renewal.

 

Sinabi pa ni Ogie, “Naku, mahal na mahal ni Ate Vi ang industriya. Actually mas mahal ni Ate Vi ang industriya kaysa politika, totoo ‘yan.”

 

“Sana Ogs si Ate Vi, tumakbo ng Vice President (Pilipinas),” susog naman ni MJ.

 

“Ay, naku Ate Vi, anuman ang takbuhin mo, nasa likod mo ako Ate Vi,” paniniyak ng manager ng LizQuen.

 

“Oo nga, sana mag-vice president si Ate Vi,” pagkumbinse pa ni MJ.

 

Mensahe ni Ate Vi, “Sobra naman! Salamat po salamat po! Lagi niyo lang ipagdasal pamilya ko, bansa natin at guidance sa pagiging public servant ko! Love you Mama Ogs. Miss you too MJ! Ingat kayo palagi! Love you.”

 

At sinundan pa ng “No political ambition!” bilang tugon sa pagkumbinseng pagtakbo bilang vice president.

 

Hindi nakumbinse sina Ogie at MJ sa sagot ni Ate Vi at iginiit pa ng una na, “Isinasara na kaya ni Ate Vi na hindi niya tatanggapin? ‘Pag sumagot si Ate Vi, ‘yan ang paniniwalaan natin, ‘pag hindi sumagot si Ate Vi, malamang pinag-aaralan na niyang tumakbo.”

 

“Pine-pressure mo talaga siyang sumagot,” natatawa namang dugtong ni MJ.

 

“Natatawa ako sa inyo! Miss ko mga kwentuhan natin! Stay safe always! Niloloko n’yo na ako. Ingat kayo palagi ha! Love and miss you all!! Have a good night!” muling sagot ni Ate Vi.

 

At dahil nagpaalam na si Ate Vi, sinabi na lang nina Ogie at MJ na susubukan nilang i-guest ang aktres/politician isang gabi sa kanilang Facebook Live.

 

Sana nga ay matuloy ito dahil tiyak na marami ang gustong magtanong kay Ate Vi via FB Live nina Ogie at MJ.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …