Thursday , January 8 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Yorme binalaan mga ‘tolonges’ sa drive-thru

SERYOSONG nagbabala si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso  sa lahat ng mga ‘tolongges’ na nagsasamantala sa drive-thru COVID testing center gaya ng mga pinag­kakakitaan ang mga gustong magpa-test pero ayaw pumila.

Ipinag-utos ni Mayor Isko ang pag-aresto sa apat na pedicab drivers na tinawag niyang mga ‘tolongges’ sa pila sa drive-thru testing area sa lungsod.

Nabatid ng alkalde base sa reklamo ng isang netizen na pumipila ang mga ‘tolongges’ sa drive-thru test center sa Bonifacio Shrine sa gabi pa lamang upang ibenta ang kanilang pila sa vehicle owners sa pagbubukas ng testing area center sa umaga.

Sinabing ang bentahan ng pila ay ginagawa ng mga ‘tolongges’ sa halagang hindi bababa sa P200 o mas mataas pa.

“Alam n’yo, 12:30 a.m. pa lang, minsan 9:00 pm pa lang puno na ang Lawton. Nagtitiyaga sila dahil alam nilang sa Maynila pantay-pantay. Hetong mga salbahe… naku, Diyos ko! Nakaisip ka ng paraan (pero) ginawa namang oportunidad ng mga (ito) tolonges. Mga tolongges sa pila,” galit na pahayag ni Mayor Isko.

Matatandaan, unang binuksan nina Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna ang dalawang drive-thru COVID testing center sa Bonifacio Shrine at sa Quirino Grandstand sa Luneta sa pagitan ng apat na araw lamang upang mabigyan ng kapanatagan kontra COVID-19 ang mga mamamayan kahit hindi residente sa lungsod.

Dinayo ng mga motorista ang dalawang drive-thru testing areas dahilan para humaba ang pila dahil libre pero pinagkakitaan ng mga tolongges.

Dahil sa nabuking na ginagawa ng mga tolongges, marami ang hindi umaabot sa cut-off dahil kahit sarado pa ang center ay nakapila na ang maraming motorista at doon na nagpapalipas ng gabi.

Ngayong araw, Lunes hanggang Biyernes mula 8:00 am hanggang 5:00 pm, ang mga testing centers ay libre para sa lahat ng mamamayan kahit residente ng ibang lungsod.

(BRIAN BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …

Lunod, Drown

Lalaki nalunod noong bisperas ng Bagong Taon, Katawan natagpuan makalipas ang 2 araw

MATAPOS ang dalawang araw na paghahanap, natagpuan na ang bangkay ng isang lalaking pinaniniwalaang nalunod …