Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maribel Aunor, proud sa Awit Awards nominations ng mga anak na sina Marione at Ashley

SOBRANG proud ang 70’s teenstar na si Ms. Maribel Aunor sa mga anak na sina Marione at Ashley Aunor dahil kapwa nakakuha ng nominations sa 33rd Awit Awards ang dalawa.

Ipinahayag ni Ms. Lala (nickname ni Maribel) ang pasasalamat sa Diyos at pagbati sa dalawang talented na anak sa pamamagitan ng kanyang Facebook account.

Saad ni Ms. Lala sa kanyang bunsong si Ashley na kilala rin bilang Cool Cat Ash:

“So proud of my bunso Cool Cat Ash aka Ashley Aunor to be one of the final nominees for Best Novelty Recording! Kahit newbie ka pa lang sa showbiz, and the fact that this is your first single “Mataba” nominated ka na agad sa Awit Awards! Sobrang daming blessings sa inyong dalawa ni sissy mo @Marion Aunor ngayon. Thank you God 🙏 #proudmom best bday gift!”

Eto naman ang post niya para sa kanyang panganay na si Marione:

“Wow! From the first line up of nominees down to 5 finalists! So proud of you bebe ko @Marion Aunor parang nanalo ka na nyan at parang dumaan ka sa liit ng butas ng karayom 👍 congrats! Thank u Lord for this blessing!”

Si Marione ay isa sa pinaka-indemand ngayong singer/songwriter. Ang ilan sa mga hit songs niya ay ang-Pumapag-IbigFree Fall Into LoveI love You Always ForeverAkalaIf You Ever Changed Your MindFallen, at Delikado.

Nominado si Marione bilang finalists for Best Pop Recording para sa kantang Paasa. Mula Viva Records, ito’y komposisyon din ni Marione, at sina Marione at Civ Fontanilla ang producers nito.

Si Ashley naman after ng debut single na Mataba, nasundan ito ng Diyosa ng Kaseksihan na collaboration nila ng kanyang Ate Marione para sa kanilang Aunorable Productions.

Dahil sa COVID-19, ang announcement ng winners ay magaganap sa August 29, 6 p.m.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …