Ang naturang pelikula ay tinatampukan nina Miggs Cuaderno, Jun Urbano, Bibeth Orteza, Elijah Alejo, Princess Rabarra, Joshua Eugenio, Hailey Mendez, Wilma Doesn’t, Jamir Zabarte, at marami pang iba, sa pamamahala ni Direk Christian Acuña.
Ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng entry si Kenken sa taunang December film festival. Kaya nabanggit niyang masayang-masaya siya sa pangyayaring ito.
“First time kong magkaroon ng entry sa Metro Manila Film Festival, kaya sobrang saya ko po,” panimulang pahayag ni Kenken.
Dagdag pa niya, “First time ko pong maka-work din sina direk Peque (Gallaga) at direk Lore (Reyes), first time ko pong makaganap ng role na ganoon.
“Matagal ko na pong pangarap ito, kasi gustong-gusto ko po kasi talagang makasakay sa float at makasali sa parada tuwing December. Sana po ay makasakay talaga ako sa float this year.”
Ano ang role niya sa movie?
Sagot ni Kenken, “ako po pala rito si Gugu, medyo kasi sidekick po ako ng kalaban tapos po… basta panoorin na lang po nila. Sure po na maganda po ito, bata, matanda, matutuwa po rito kapag pinanood nila. Pero lalo na po ang mga bata.
“Nag-enjoy po ako habang ginagawa itong movie, parang cartoon po ako rito eh… Ang mga nakasama ko po sa eksena ay sina Kuya Miggs, Tita Bibeth, at Ate Elijah.”
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio