Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aljur on ABS-CBN — pro-franchise ako, pero it’s beyond me (balik-gma na ba?)

MATAGAL nang usap-usapan ang hindi pagpapahayag ng suporta ni Aljur Abrenica sa renewal of franchise at pagsasara ng ABS-CBN. Naikompara pa nga ito sa kapatid niyang si Vin na napaka-vocal sa pagsuporta sa network. Kaya naman hindi na kami nag-atubiling tanungin ito nang makaharap via zoom conference para sa pelikulang Escape From Mamasapano ng Borracho Films ukol sa obserbasyon ng marami,

Ani Aljur, ”Hindi naman sa hindi ako vocal. Actually, pro-franchise po ako.

“Siyempre, that’s my mother network now. Marami rin silang naitulong sa akin.

“Pero it’s beyond me. Ibig kong sabihin, their fight is their fight.

“Matagal na ‘yung nangyayari. I don’t know the details…

“Ako, bilang isang artista, hindi ko alam. Ang alam ko lang, ‘yung behind camera, so I’m really looking forward…

“How I see this scenario is the opportunity talaga to cleanse, and the opportunity to get better as a network…”

“Every case naman na ganito, may opportunity to make everything better. ‘Yun na lang ang tinitingnan ko.

“Para malaman niyo ang side ko, pro-franchise ako, pero it’s beyond me.

“May mas malalim pa kaysa ipaglalaban ko sa franchise.”

Natanong din si Aljur kung posible bang bumalik siya sa dating pinanggaling network, ang Kapuso Network na nagpasikat sa kanya.

Tugon ng actor, ”Open naman ako. If doon ako pupunta sa path na ‘yon, but right now kasi, ang focus ko talaga is family, security nila, and whatever means that I can do, like, supporting my wife, studying other businesses.

“So, right now, kaya tinanggap ko yung project na ‘to is because passion ko talaga is acting.

“May goal talaga ako when it comes to the industry, pero kung kakailanganin niya ‘yung network at nag-a-agree ‘yung network, same sila, pati ‘yung audience are asking na, why not?

“Pero for now, ang masasabi ko, wala pa ako roon. Wala pa ako roon para kumatok pa sa network.”

Sanabi pa ni Aljur na, ang focus niya ay ang kanyang pamilya. ”Ang focus ko siyempre ang family ko, sina Axl Romeo, Alas Joaquin, my wife Kylie, ‘yung security nila and future.”

Ang Escape From Mamasapano ay planong isali sa Metro Manila Film Festival 2020 sa Disyembre o sa MMFF Summer Fest at hangad ng producer na mabigyan ng hustisya ang SAF 44. Full support dito ang SAF mula sa uniform and equipments na aprubado ni Police Major General Director PNP SAF Amando Clifton B. Empiso sa pakikipagtulungan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …