Thursday , December 26 2024

Abogado sa Iloilo kakasa vs PECO (Kung sasampahan ng disbarment case)

ITINURING na harassment ng isang abogado sa Iloilo City ang banta ng Panay Electric Company (PECO) na sasampahan siya ng disbarment sa Korte Suprema kasunod ng pagbubunyag ng pagkakaroon ng offshore companies ng dating Distribution Utility.

Ayon kay Atty. Zafiro Lauron malinaw sa bantang paghahain ng kasong disbarment laban sa kanya, nais siyang patahimikin sa isyu, iginiit ng abogado na hindi personal ang kanyang pag-atake sa PECO bagkus ay bahagi lamang ito ng kanyang civic duty bilang isang true-blooded Ilonggo.

Aniya, hindi lamang ang iregularidad sa pamamalakad ng PECO ang kanyang naging laban sa Iloilo bagkus marami pang mahahalagang isyu ang kanyang isiniwalat at marami na rin sinampahan ng reklamo mula sa national at local officials na ang huli ay nadiskubre niyang iregularidad sa Dam project sa lalawigan.

“Kung sasampahan nila ako ng disbarment, be my guest. There’s no legal ground for that. This harassment from PECO means that they are pushing me to cow in fear. Masyado naman silang diktador. PECO should be open to criticisms, huwag sana silang onion skin,” pahayag ni Lauron.

Sinabi ni Lauron, hindi dapat patahimikin lagi ng PECO ang mga bumabatikos sa kanila, aniya, bagamat private entity ang kompanya ay involve naman ito sa public activity dahil nasa linya ng power generation kaya bilang isang consumer, isang Ilonggo, at abogado ay may karapatan sa kanyang opinyon at may civic duty na isapubliko kung may nalalamang iregularidad.

Kaugnay nito, pinasinungalingan ni Lauron ang pahayag ng PECO na nag-aabogado siya sa More Electric and Power Corp. (More Power), ang bagong Distribution Utility sa Iloilo.

Giit ni Lauron wala siyang anomang legal engagement dito at wala siyang kilala kahit na isa mula sa kompanya.

“Alam ng mga taga-Iloilo na isa ako sa mga lumalaban sa isyu sa aming lalawigan kaya malisyoso ang paratang ng PECO na ako ay nag-aabogado para sa More Power,” dagdag ni Lauron.

Nagbanta si Lauron na kung patuloy siyang pagbabantaan ng PECO at gagawa ng squid tactics ay bubuwelta din siya ng kaso laban dito.

Si Lauron ang unang nagbunyag ng pagkakaroon ng 3 offshore companies ng PECO sa Bahamas na Costa Group Invest­ments Ltd., Prime Rose Technology, at Mega International Services na pawang nabuo noong taong 2000.

Nanindigan si Lauron na mas may basehan ang ipinalabas na report ng Inter­national Consortium of Investigative Journalists (ICIJ) na nagdedetalye ng mga binuksang offshore companies ng PECO sa Bahamas at nakalista ang mga pangalan ng mga shareholder, company address at kung kailan nai-set-up ang kompanya.

Una nitong hiningi ang tulong ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na maimbestigahan ang nasabing offshore accounts.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *